Nagpatalo ako sa pustahan namin, dahil panalo naman ako sa kama…

April 29, 2022

Gandang araw, DJ Raqi! Pagpasensyahan mo muna kung magyayabang ako nang kaunti. Wala lang, ayaw na kasi akong dalawin ng antok eh! Sinumpong lang dahil nagulat sandali… ako’y naka-patay… ng lumilipad na peste. ‘Di na tuloy ako ulit makatulog, kaya naisip kong sumulat sa’yo at mag-monologue. Baka sakaling mabasa mo isang araw at ikaw ay maaliw. Ingat lang sa mga pananalita ko, para hindi ka sa’kin mabaliw.

Itago mo ako sa pangalang ‘Abner,’ our barangay’s ‘Royal Rumble’ winner! Lend me your ears, Kabisyo, for a little while! Because here’s my SPG, as in Super, Pak Ganern, Secret File!

Manginginom ako sa barangay namin, at kilala ng mga chicks. Minsan, tambay, at sumisinghot-singhot lang ng menthol. Pero madalas, tagaprito ng lumpia, kikiam, at cheese sticks! Dahil masipag at masikap, halos araw-araw may datung! Kung kaya’t medyo lapitin ng babae, and we get to party all night long! BUT I am a good boy though, so don’t get me wrong. Ang talagang bisyo ko lang ay ang pag-inom ng alak, pero huwag niyo akong gayahin mga ‘tol, para ang mga magulang niyo ay hindi kayo masapak!

Mayroon akong katropa, let’s call him by the name “Pepe.” Hindi ko siya kadugo, pero kami ay magkumpare. Pagdating sa babae, siya ang mas madiskarte. Kayang-kaya ‘raw’ niya kahit saan at kahit kailan, araw man o gabi. Matibay umano ang kaniyang mga tuhod, saksakan at punong-puno ng enerhiya! Kaya ‘pag siya raw ay napapasabak, daig pa ang kumukulong mantika! Number one ‘raw’ sa halikan, dahil pumipilantik ang kaniyang dila! Sa bed scenes diumano, parang pumuputok-putok na kawali, dahil malikot ang mga kamay, lalo na ang kanyang mga daliri! Parang wala nang bukas kung makipaglampungan, halatang walang babaeng uurungan. Pero huwag ka dahil pagdating sa inuman, matapang sa umpisa pero sa dulo, lupaypay ang katawan!

Sundan ang SPG na kuwento ni Abner dito sa Raqi’s SPG Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.