Nagparamdam si Papa after 16 Years

January 3, 2022

Hi, Dj Raqi!

Nais ko lang ibahagi ‘yung pinaka-unforgetable na nangyari sa buhay ko. Tawagin niyo na lamang ako sa pangalang Pearl, and this is my Secret File.

8 months, oo Dj Raqi 8 months palang ako sa tiyan ng mama ko ng itakwil ni papa si mama. Sobrang daming tao noon, pinapanood si mama. Pinapanood siyang ipagtatapon ni papa ang mga gamit ng pinakamamahal kong ina. Ano ang dahilan? ‘Yun ay sa hindi na sila magkaintindihan na kapag magkasama sila ay laging may World War 3. Malaki na ang tiyan ni mama noon pero kinaya niya ang mga pagtrato ni papa sa kaniya. At muntikan nang makunan si mama n’un pero buti nalang daw ay matindi ang kapit ko. Fast forward.

Siguro 6 years old ako n’un laging tinatanong ng mga tao kung nasaan nga ba ang tatay ko. Pero ang lagi kong sagot ay “nalunod sa sabaw” para wala na silang masyadong tanong. Then my 8th birthday came, may narinig akong kausap si mama sa phone. Ito ang narinig ko na hinding hindi ko makakalimutan hanggang sa kamatayan…

Sundan ang kwento ni Pearl sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.