Nagmahal lang ako pero bakit puro sakit ang isinukli mo?

January 5, 2022

Hi DJ Raqi! I just wanna share my secret files with you, sana po ay mabasa niyo rin ito. Avid fan niyo po ako.

Nagmahal lang ako pero bakit puro sakit ang isinukli mo?

By the way, just call me Cath and this story is all about the person who I was thought na hindi ako sasaktan. Pero wala eh, mali pala ako.

So here it goes, may nakilala akong lalaki na tawagin nalang natin na Mr. J. Pumapasok siya sa school na malapit sa bahay namin. By the way, ‘yung school na ‘yun ay para sa mga undergrad sa highschool. So, while nasa tindahan ako ng mama ko na nakaupo at umiinom ng softdrinks biglang may nagsabi ng “Tao po pabili po ng sigarilyo.” So ayun tumayo ako at binigyan ko agad siya ng yosi and that time may mga kausap siyang mga kasama niya na kilala na ako kasi medyo matagal na silang pumapasok dun sa school na ‘yun.

Fast forward, dahil sa friends ko ang mga kaklase niya sa school naging close nadin kami ni J. Nag-uusap kami sa mga past relationships namin. Then in the middle of our conversation, he told me that he has a live-in partner and meron silang isang anak na lalaki.

So, tuloy-tuloy lang ang kwento niya till he told me that kaya s’ya nandito sa Davao ngayon kasi he just make this as an excuse para mapalayo raw siya sa kinakasama niya. Kasi daw nagloko ang babae at nag-away sila ng grabe before siya umalis sa bahay nila. By the way, he was living in the province that time, like 3 hours away from the city.

So when he was telling me everything, I also shared my failed relationship with my first love. Then after n’un, naging mas close kami at nakilala ang isa’t-isa. Pero hindi ako ‘yung tipo na dumidikit sa kan’ya kasi maraming mga babae na classmates niya ang dikit ng dikit sa kan’ya. Then one day birthday ng isang friend nila na naging friend ko na rin. Her name is Glaysha. They decided na i-celebrate sa beach so sumama naman ako. Then after niyan, habang papunta palang kami d’un pansin ko na sobrang sweet na niya sa akin n’un. Ako naman wala lang kasi nga he is just a friend.

So when we arrived in the beach siguro mga 7:30 na ng gabi ‘yun kumain kami at nag-inuman. Inom lang kami ng inom tapos n’ung nalasing na ako umakyat na ako sa taas at natulog. So siya naman umakyat din at tinabihan ako while nakayakap siya sa akin. Siguro dala na rin ng alak nangyari ang hindi dapat mangyari sa amin.

So, kinabukasan nagtaka ako halos ayaw na niyang mawala ako sa paningin niya gusto niya kasama ko siya lagi. While we are eating breakfast, tumabi siya sa akin at binulungan niya akong “So tayo na ha? Kasi may nangyari na sa atin.”

Sundan ang kwento ni Cath dito lang sa Raqi’s Secret File.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.