Nagkaanak ako sa ‘di ko asawa

November 4, 2021

Hi po DJ Raqi! Gusto ko lang po i-share ‘yung story ko para mabawasan lang po ang dinadala ko at para ‘yung mga taong same ang pinagdadaanan ay matauhan bago pa sila magkamali.

Just call me Mr. P. I’m 28 years old na po at married po with 1 baby. Noon pa man po sa matagal na panahon, never po akong nag-cheat sa GF ko na ngayon ay wife ko na po. Kahit magkalayo kami, lagi kong iniiwas ang sarili ko sa mga bagay na alam kong mali.

Mahal ko po ang family ko, sobrang mahal ko po sila pero dahil sa naging mang-mang ako, nakagawa ako ng pagkakamaling habang buhay kong dadalhin. Wala kaming naging problema before ng wife ko about sa mga ganitong usapan. Lagi akong naging open sa kanya, at loyal and faithful ako sa kanya.

Never ko po itong nagawa. Hanggang sa na-inlove po ako sa isang babae na itago na lang po natin sa pangalang Miss B. Nagkakilala kami sa social media. No’ng una, close friend lang po kami, but we talk to each other po halos everyday.

We share a lot of stories sa isa’t-isa at do’n po nagsimula ang magandang pagtitinginan namin. I am aware po na hindi ko dapat gawin pero sabi ko sa sarili ko, I will never cross that line. Lagi ko pong nilalagay sa isip ko ‘yun.

Habang lumilipas ang araw, lalo kaming nagiging close hanggang sa naramdaman ko na sa sarili ko na parang iba na ang feeling ko.

 

 

Sundan ang kwento ni Mr. P. dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.