NagBIDJOCALL kami ng BF ko dahil miss ko na ang fingers niya

April 22, 2022

“Nami-miss ko ang fingers niya…”

Hi, DJ Raqi! Itago mo ako sa pangalang ‘Pearl.’ At ito ang aking SPG, as in Super, Pak Ganern, Secret File.

Mayroon akong boyfriend, itago natin siya sa pangalang ‘Pao.’ Si Pao ay isang utility personnel sa isang shipping line. Ang barkong sinasakyan niya ay isang cruise ship, dumadaong sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, kung kaya medyo matagal-tagal na panahon muna ang lilipas bago siya makauwi dito sa atin. Mahigit 3 years na kaming mag-jowa ni Pao, pero 2 years ago nang maging LDR kami.

Si Pao ay ang tipo ng lalake na gentleman, maalaga, maunawain, gwapo, at higit sa lahat, ma-L. Ma-L as in, MaLambing. Kaya naman kapag nauwi siya ng Pilipinas, ay sinasagad namin; sinasagad namin ang panahong magkasama kami, para sulit at may nabubuo, nabubuo kaming magagandang memories, na babaunin niya ulit pagbalik ng barko.

‘Yun nga lang, DJ Raqi, sa haba ng panahon na hindi kami magkapiling, ay nami-miss ko siya nang sobra. Nami-miss ko ang mga ginagawa namin pag magkasama kami. Nami-miss ko ang matipuno niyang katawan na niyayakap-yakap ko nang mahigpit. At hinahanap-hanap ko ang haplos ng mga kamay at fingers niya sa akin. Kaya kung free time niya, ang ginagawa na lang namin, ay nagvi-video call kami. Ito na lang ang paraan para kahit papa’no ay maibsan ang aming kalungkutan at pangungulila sa isa’t-isa.

Sundan ang kuwento ni Pearl dito sa Raqi’s SPG Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.