Na-depress ako dahil sa Papa ko

October 14, 2020

Sobrang hirap malayo sa pamilya at baguhin ang kapalaran nang mag-isa.

Noong una nag-aalinlangan pa akong i-share ang kwento ko pero this time, nagkaroon na ako ng lakas ng loob para ibahagi sa inyo ang mga karanasan ko.

Itago nyo ako sa pangalang Hydie.

Galing ako sa broken family at pangalawa ako sa limang magkakapatid. Naghiwalay ‘yung mama’t papa ko nu’ng 12 years old palang ako sa kadahilanang puro selos at away na lang sila. Walang araw na ‘di nag-aaway ang mga magulang ko at dumarating sa nagkakasakitan na sila. Naaawa ako sa mama ko no’n, kasi puro pasa at bukol ang abot niya at wala naman kaming magawa. Ilang beses na rin napa-Barangay ang papa ko at dumating na rin sa punto na napa-pulis siya pero dahil malakas ang kapit ni papa, walang nangyring kulungan.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo Hydie sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.