MY OLDER BROTHER DIED BECAUSE OF ME

April 25, 2022

Itago niyo na lang po ako sa pangalang Lloyd Kim, at ito ang aking secret file

Noong ipinagbubuntis pa lang ako, namatay na ang tatay namin, dahil ‘yun sa gyera, kasi sundalo tatay namin. May kuya ako, 2 years old si kuya Math noong namatay ang nanay namin dahil sa panganganak sa akin.

In short, lumaki kami na walang magulang. Itinaguyod kami nila lola sa side ni papa. Masaya naman, namulat kami ni kuya sa piling nila lola. Sila ang kinikilala naming mga magulang. Para sa akin okay lang kasi ‘di ko naman naranasan magkaroon ng nanay at tatay sa tabi ko.

Magkaparehas kami ni kuya Math sa maraming bagay, mukha, pangangatawan, tindig, pananamit, kulay, pananalita at boses, halos lahat. Ang akala nga ng iba magkambal kami. Pero may isang bagay na mayroon kaming pinagkakaibahan, matatawag kong isa siyang mahinang nilalang at malambot ang puso. Kasi, mula noong mga bata pa kami, ako palagi ang nagtatanggol sa kaniya kapag siya ay tinutukso. Ang weird ‘noh? Si bunso ang nagtatanggol kay kuya. Ako kasi ay basag-ulo doon basag-ulo dito. Hindi naman ako mapigilan ni kuya kasi baka masaktan ko raw sya.. siya lang ang barkada ko, at ako lang ang barkada nya. Kaya kaming dalawa lang ang magtropa sa bahay, sa school, sa gimikan, at kung saan man, magkasundo kasi kami sa lahat ng bagay. Actually, mula pagkabata magkatabi kami sa pagtulog sabay maliligo, sabay din ‘yung pagkain at pagpasok sa paaralan, pag-umuwi ako ng gabi, siguradong gabi rin uwi niya kasi magkasama nga kami,’ yung masasabi kong perfect kami na magkapatid. Hindi man kami senuwerte sa magulang, suwerte naman kami sa isa’t-isa kasi kami ‘yung naging magkapatid. Pero hindi ibig sabihin noon hindi na kami nag aaway, nag-aaway din kami minsan…

Sundan ang kuwento ni Lloyd Kim dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.