Misteryo sa kuwarto ni Koya | Raqi’s SPG Secret Files
March 17, 2023
“May hinipan akong balloon sa kuwarto ni Kuya…”
Hi, DJ Raqi! Itago mo ako sa pangalang Intoy at ito ang aking SPG, as in Super Pak Ganern Secret File.
Hindi ko talaga ugali ang mag-trespassing lalo na kung hindi ko teritoryo. Sa bahay namin, may sarili naman akong kuwarto. Katabi ng kuwarto ko ang kuwarto ng Kuya ko. May mga pahalang na butas sa bandang itaas ng dingding na naghihiwalay sa mga kuwarto namin, kaya dinig ko pa rin ang mga ingay mula sa kuwarto niya. Kahit ’yung ingay ng TV o radyo, malinaw sa pandinig ko roon sa kuwarto ko. Minsan nga lang, may mga ingay kang maririnig na hindi mo maintindihan o hindi maipaliwanag ng diwa mo kung ano ba talaga ang nangyayari. Isang gabi kasi, binisita si Kuya ng jowa niya at sa kuwarto sila tumambay buong magdamag.
Noong gabing iyon, parang balisa ako sa kama kasi hindi ako makatulog nang maayos. Maingay kasing pakinggan sa kuwarto nila Kuya, eh. Alam mo ’yun, ’yung pakiramdam na ang ingay-ingay. Hindi mo alam kung anong mga tunog ’yun at pinipilit mong intindihin kung ano ang ginagawa nila dahil sa hindi pangkaraniwang ingay na uma-alingawngaw hanggang sa kuwarto ko. Hindi ko lang makalimutan ang ilang mga salitang narinig ko na sinabi ng jowa ni Kuya sa kaniya.
Halimbawa, una, sabi ni Ate kay Kuya, “Jules, i-bo-blow ko na…” I-bo-blow ang ano? Kandila? Hindi naman birthday ni Kuya noong gabing ’yun, ah? Baka may celebration siguro, pero ewan, alam ko hindi nila monthsary noong gabing iyon at walang nag-birthday sa kanila.
Sundan ang kuwento ni Intoy dito sa Raqi’s SPG Secret Files.
Related Contents
-
Pusong lalaki | Raqi’s Secret Files
June 7, 2023
-
Bawi na lang tayo | Raqi’s Secret Files
June 6, 2023
-
Hihintayin ko pa rin siya | Raqi’s Secret Files
June 5, 2023
Comments