“Minsan kahit sobrang mahal mo, kailangan mong bitiwan.”

September 22, 2022

“Minsan kahit sobrang mahal mo, kailangan mong bitiwan.” 

 

Hello and good day, DJ Raqi! 

Isa po ako sa mga tagapakinig niyo sa inyong programa at paborito ko po talaga ito.  

Itago niyo na lang po ako sa pangalang “Tine.”  Mahaba-haba man po ang kwento na ibabahagi ko pero sana maging aral na lang po sa mga taong nakikinig.  

 

Lumaki po ako na ‘di kasama ang aking mga magulang at tanging lola ko lang ang nagpalaki sa akin. Kahit naman nandiyan po ang mama ko ay mas nasanay po ako sa lola ko. 

Kaya naman maaga akong natuto sa buhay at gawin ang mga bagay-bagay na dapat kong matutunan. 12 years old pa lang ako ay working student na ako at natutustusan ko ng maayos ang pag-aaral ko.  

 

Sobrang mahal ko po talaga ang pag-aaral ko pero aside do’n pangarap ko rin po makita ang papa ko. So, nagdesisyon po ako na lumuwas at hanapin ang tatay ko. Fast forward, napunta ako sa bahay ng side ng papa ko. Maayos buhay ko sa tinitirhan ko pero sadyang ang hirap lang makisama kaya naman nag-aaral ako sa umaga at nagtatrabaho naman sa gabi. 

 

Naalala ko no’n, 14 years old pa lang ako pero kumikita na ako para sa sarili ko kasabay ng pag-aaral ko, kaso, ‘di na po nagpatuloy kasi hindi ko na po kinaya.  Ang daming nagsasabi na sayang talino ko pero ang iniisip ko na lang ay dumiskarte kung paano mabubuhay ang sarili ko.  Sa madaling salita, sa murang edad ko ay mag-isa ko nang pinagdedesisyonan ang buhay ko. 

 

Habang lumilipas ang panahon an dami kong natutunan, isa ro’n ay dapat tama lang lagi gawin mo para wala kang pagsisihan sa huli, ni wala man lang nagpapayo o nagsasabi sa akin, ‘di ko alam, ‘yun pala ang kailangan ko. Everytime na may mas nakakatanda na kumakausap sa akin mas gusto ko na pinapayuhan ako at sabihin na natin na kulang ako sa aruga at pagmamahal ng magulang. Buti na lang at ang nagagawa kong desisyon ay tama naman kahit papaano may mga mali rin pero naaayos naman.  

 

Fast forward, I was 15 no’ng nagtrabaho ako sa fastfood bilang cashier, do’n ako nilagay ng manager kasi kaya ko naman daw. Then, one day, nakilala ko ‘yung lalaking ‘di ko alam na gagawin kong mundo. Niligawan niya ako.  

 

Galing siya sa broken family and nabubuhay lang siya sa bigay ng magulang niya pero minsan kung wala na ‘yung allowance na bigay ng tatay niya ay wala na ring makain. 

Na-inspire ako sa story niya kasi mas masakit ‘yung napagdaanan niya at makikita mo talaga siyang ‘di niya naaayos ang sarili niya. Maduming kuko, amoy araw, maraming tigyawat, at higit sa lahat 2-3 days bago siya maligo. Pero, guess what?  Binago ko siya, sa madaling salita naging tao siya no’ng naging kami.  

Ating subaybayan ang mga susunod na kabanata sa kwento ni Tine rito sa Raqi’s Secret Files.  

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.