Minahal at pinaglaban kita

October 11, 2021

Hi DJ Raqi. I’m a silent listener. Tawagin niyo na lang ako sa pangalang Jaika. Wagas kung magmahal, pero wagas din palang masasaktan.

Mahal ko siya higit pa sa sarili ko. Sa kanya umikot and mundo ko. Itago natin siya sa pangalang J.

Tinamaan yata ako nito. Lakas ng gayuma. Impak na mahal na mahal ko talaga. Pero bakit kasi kung saan nagmahal ka eh may kapalit namang sakit? This is my Secret File.

Year 2018, nakilala ko si J. Ahead siya sa’kin ng 4 years. Matagal ko rin siyang textmate. Uso pa kasi textmate at callmate no’n. Hanggang sa nagkita kami sa personal. Kaloka nga eh, nag-shake hands pa sa’kin. Pero wala lang ‘yun sa’kin. Kalmado lang kaya ako no’n.

November 4, nanligaw siya sa’kin at sinagot ko naman siya. Naging boyfriend ko siya at tumagal kami ng ilang taon. Masaya kami sa mga panahong ‘yun pero di rin mawala ‘yung away-bati, pero nagiging okay rin naman. Sabi nga nila, natural lang daw ‘yon sa relasyon, ‘yung may away-bati dahil sinusubok ng panahon para sa tagal at pagiging matatag na relasyon.

Hindi naman kasi maganda kung puro saya lang. Ilang buwan at ni-legal na rin niya ako. Ang swerte ko noon kasi siya pa lang ‘yung kauna-unahang boyfriend ko na pinakilala ako sa pamilya niya. At ipinakilala ko na rin siya sa pamilya ko.

Actually, marami akong naka-relasyon no’n at that time. Hindi sa malandi ako, pero gusto lang talaga nila ako kasi nga mabait daw ako. And oo, mabati talaga ako, DJ Raqi.

Pero sa lahat ng naging ka-relasyon ko eh palpak ‘yung mga ‘yon.

 

Sundan ang Secret File Story ni Jaika, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.