May pera na ‘ko

June 17, 2021

Hi DJ Raqi. Madalas akong makinig ng mga story mo lalo na kapag nagta-trabaho ako. Sa pakikinig ko sa’yo eh masasabi ko naman na mababaw talaga ang luha ko kapag usapang pamilya na ang kinu-kwento mo. Kaya naman eto ako, nagsusulat at umaasang maibahagi ang kwento ko. Hindi ito ang typical na kwentong love story pero kwento ito ng aking Tatay. This is my Secret File.

Tubong Quezon Province ang Tatay ko. Sa murang edad ay namulat na ang aking Tatay sa pagbabanat ng buto. Madalas niyang mai-kwento sa amin na elementary pa lang siya eh nagtitinda na siya ng turon at ice candy pang-baon. Hanggang sa naka-punta ng Maynila para mag-waiter at ‘di kalaunan ay nakapunta ng Saudi.

Sa kabutihan ng Diyos ay pinalad siyang makaakyat ng barko para mag-waiter. At sa pagtatrabaho niya sa ibang bansa ay nakapundar siya ng isang magandang bahay. Hanggang sa nakapag-asawa na ang aking Tatay at biniyayaan ng tatlong anak. Ako ang bunso at nag-iisang lalaki.

Noong pinanganak ako ay tumigil na ang Tatay ko sa pagba-barko at lumipat kami ng Cavite para mag-tayo ng business. Naging maganda ang naging takbo ng business ng pamilya namin. Naalala ko pa nga noon na may kasambahay pa kami.

Ang Mother ko ay may business din. Hanggang sa nag-highschool ako, unti-unti nang humina ang business ng mga magulang ko. Hanggang sa isa-isa nang nagsasara ang mga tindahan namin. Sinabayan pa na namatay ang Nanay ng Father ko. Kaya no choice siya kung hindi ibenta ang bahay namin sa Quezon.

‘Yung bahay na pinaghirapan niya, bahay na punong puno ng memories ng isang masayang pamilya. Mga okasyon na sama-sama naming pinagdiriwang. Kaya labis na lamang ang aking panghihinayang ng ma-benta ito. Kaya naman sabi ko sa sarili ko ay magta-trabaho akong mabuti at bibilhin ko ulit ung bahay na ‘yun. O ‘di naman ay magpapagawa ako ng bahay na katulad na katulad ng naipatayo ng Tatay ko.

Masasabi kong napaka-kuripot ng tatay ko. Kung may contest nga lang ng pakuriputan at pagtitipid eh sigurado akong may ibubuga ang Tatay ko. May mga pagkakataon pa nga na kapag may binibili ang nanay ko para sa aming magkakapatid eh sinasabi niya na “Ubusin mo na ‘yan at baka makita pa ng tatay mo.”

Para kasi sa tatay ko eh ibili na lang ng ulam kaysa sa kung ano-ano. Lumaki akong ganito ang sinasabi ng nanay ko sa’kin. Tapos pagdating sa sinaing, ayaw niyang napapanisan kami ng kanin or ‘di kaya eh nagkakamali kami ng luto. Ayaw na ayaw ng tatay ko ‘yan at sigurado akong sasabihin nanaman niyang “Para kayong tumatae ng bigas ha?!”

Isang beses nga eh inutusan niya akong bumili sa tindahan. Eh may sukli pa, kaya bumili ako ng tsitsirya. Pagbalik ko sa kanya. Hinahanap niya ‘yung sukli. Sinabi ko naman na bumili ako ng tsitsirya. Ayon pinagalitan ,niya ako. Kesyo magpaalam daw muna bago bumili ng kung ano-ano. Sa isip-isip ko naman eh pagkain naman binili ko tsaka barya lang ‘yung kinuha ko. Pero pinagalitan pa rin niya ako at nagtampo ako sa kaniya.

Tapos ‘pag may mga dapat bayaran sa school eh saktuhan lagi ang ibibigay niya. Pag wala kang naipakitang resibo, ihanda mo na ang tenga mo kasi malamang sa malamang eh sermon ang aabutin mo. Marami ang bayarin ko sa school dahil Tourism ang kinuha kong course. Ambagan dito para sa event na ganito, kailangan bumili ng special uniform, tapos ang pinakamahal ay mga tour.

Kaya naman ‘pag hihingi ako sa tatay ko eh ilang beses ko pinag-iisipan kung paano ako hihingi. Ang rules niya eh one week bago ang deadline eh dapat nasabi mo na ang bayarin. Kapag humingi ka ngayon at bukas ang deadline, nako! Asahan mong sermon ang makukuha mo. Kaya naman eh naging matipid din ako sa sarili ko pagdating sa pera.

Nariyan na ‘yung hindi ako bumibili sa canteen at hinihintay ko na lang mag-uwian para sa bahay na lang ako kakain. Tapos naglalakad ako ng malayo para lang mabawasan ‘yung pamasahe ko. Kasi naman, ang hirap humingi ng pera sa Tatay ko. Never akong humingi ng pera sa kanya para pang-date or pang-porma.

At dahil sa pagiging mahigpit niya sa pera eh aaminin kong naging masama ang loob ko sa Tatay ko. Kasi naman sa tuwing hihingi ako ng pera sa kanya eh para bang isinusumbat niya sa akin lahat ng hinihingi ko. Naalala ko nga na isang beses nanghihingi ako sa kanya ng pera kasi may kailangan kaming puntahan na convention. And guess what? Sinermonan na naman niya ako. Kung ano-ano sinabi sa’kin. Na kesyo gagala lang daw ako at ‘di ko man lang naisip ang gastusin dito sa bahay.

Habang nag-aaway kami eh literal na umiiyak ako sa harapan niya. Sa sobrang iyak ko eh nag walk out ako sa bahay ng gabing ‘yun. Naglakad ako nang naglakad habang umiiyak. Wala akong pakialam sa sasabihin ng mga taong makakakita sa’kin. Sobrang sama talaga ng loob ko that time. Alalang alala ang nanay ko. Panay ang text niya kung nasaan ako kasi naramdaman niya sigurong hindi ako uuwi ng gabing ‘yun.

Pero sobra akong naawa sa nanay ko at ayokong nag-aalala siya sa’kin kaya sinabi kong nasa church lang ako at doon muna ako tutulog. Then all of a sudden, may dumating sa church. Ilang beses na tinatawag ang pangalan ko. ‘Di ako lumalabas kasi iyak pa rin ako nang iyak.

Hanggang sa ‘yung nanay-nanayan ko eh lumapit sa akin at sinabing “Anak, ‘yung tatay mo, nasa labas. Hindi raw siya uuwi ng hindi ka kasama. Kausapin mo na, anak. Nakakaawa naman, naghihintay sa’yo”.

 

Sundan ang Secret File Story ni Odylon, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.