May nasalat akong basa!

September 14, 2020

Itago niyo po ako sa pangalang Bessy.

Breaktime namin noon sa school tapos nakaupo ako sa upuan ng best friend kong bakla na itago na rin po natin sa pangalang Jeyde.

Nasa baba si Jeyde para bumili ng pagkain kaya hinihintay ko siya. Habang naghihintay ako, lumapit ‘yung kaklase ko sa akin at sinabing may pinapapirmahan daw sa akin. Kukuha sana ako sa bag ko ng ballpen pero tinamad ako dahil ‘di ko abot ‘yung bag ko, ‘nag hanap na lang ako sa loob ng bag ni Jeyde. Habang nagkakalkal ako sa bag niya ay may nahawakan akong basa, pero ‘di ko na pinansin dahil nagmamadali na ‘yung kaklase ko na may hawak nu’ng papel na dapat pirmahan. Nu’ng nakahanap na ako ballpen, agad akong pumirma. Ilalagay ko na sana ‘yung ballpen pabalik sa bag ni Jeyde pero nagulat ako dahil bigla siyang tumakbo papunta sa akin at pinigilan ako na buksan ‘yung bag niya.

“Wag mong buksan yan, be!”

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo Bessy sa Raqi Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.