May nangyari sa’min ng asawa ng kapatid ko

October 12, 2021

Hi DJ Raqi,

Taga-kinig din po ako ng programa mo at nahikayat na rin po akong mag-share ng karanasan at bahala na ang mga taga-kinig mahusgahan man ako o hindi, DJ Raqi. I-bash man nila ako sa comment ay go go go lang, basta ang importante makapa-share din ako.

Sana po mapili niyo ito mabasa. Tawagin niyo na lamang po akong Rushiell ng Laoag City, 37 years old at may asawa.

Si Wendy, ang nakababatang kapatid ko na babae na kung titignan niyo po physically ay halos parehong pareho. Mula sa boses, pangangatawan hanggang sa itsura, mas matangkad lamang po siya ng kaunti DJ Raqi.

Year 2014. Back story po, boring ang asawa ko sa sex. Puro ang kotse lang niya ang inaatupag, DJ Raqi at minsan nag-away kami ay nakitira muna ako kina Wendy. Okay lang naman sa asawa niyang si Dante dahil kung tutuusin ay halos magka-barkada na rin kami, DJ Raqi. May dalawang anak na po pala sina Dante at Wendy.

Kalakasan ang bagyo sa panahong ‘yun, 2 days na ring walang kuryente.

2nd night, nag-inuman kami ni Wendy habang papasok naman ang bayaw kong si Dante sa trabaho. Naglasing kami ng kapatid ko and then matutulog na dapat, hinatid ko si Wendy sa room nilang mag-asawa at doon ako sa mga bata makikitulog nang bumagsak na rin ang katawan ko sa kama, DJ Raqi.

Ilang saglit lang nakalipas, naririnig ko umiiyak ang bunso niyang anak. Sabi sa akin ni Wendy, “Ate, punta ako sa kabila. Takot ang bunso ko sa kidlat.” Ako naman po, kahit narinig ko ay nagtutulog tulugan na lang ako. Nahihilo kasi ako kapag tatayo pa at ang dilim, DJ Raqi.

Kaya sabi na lang niya, “Bahala ka riyan, ate. Basta bago mag alas-7 ng umaga, nakabangon ka na dahil pag-uwi ni Dante, matutulog ‘yun agad dahil sa puyat sa trabaho.”

Ito na nga DJ Raqi, nagising na lang ako bigla nang may humahaplos sa katawan ko at hinahalikan ang hita ko.

 

Sundan ang Secret File Story ni Rushiell, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.