“May nangyari sa amin ng ibang lalaki pero hiwalay na kami ng live-in partner ko.”

September 8, 2022

“May nangyari sa amin ng ibang lalaki pero hiwalay na kami ng live-in partner ko.” 

Hi DJ Raqi! Listener mo ako since 2018. Nandito ako sa sitwasyong ito na sobrang gulo na hindi ko alam kung anong gagawin ko. I can not take it anymore. Gulong-gulo ako sa sitwasayon ko. Sana ay mapayuhan niyo ako and this is my Secret File.  

Itago mo ako sa pangalang “Joy” 25 years old. Mayroon akong live-in partner na itago na lang natin sa pangalang “Roy.” Mag-si-six years na kami sa December at mayroon na kaming anak pero hindi ako masaya kasi wala siyang pakialam sa akin. Pakiramdam ko eh ibang-iba na ang pagtrato niya sa akin na para bang hindi ako mahalaga sa kanya.  

Simula nang magsama kami, hindi na siya nagtrabaho, puro na lang siya laro, at umaasa pa rin sa kanyang magulang. Ako, bilang babae ang kumakayod, nakahanap ng trabaho, at nagpatuloy sa buhay. Kaya lang dahil sa pagtatrabaho kong iyon ay palagi kaming nag-aaway, ang dahilan niya, ayaw daw niya akong pagtrabahuhin dahil ang gusto niya ay ang pagsilbihan ko lang silang dalawa ng anak namin.  

Kaya kahit sobrang pagod ko sa trabaho ay wala akong magawa kung hindi tiisin lahat ng pang-aaway niya sa akin. Kailangan ako pa ang gagawa sa lahat ng gawaing bahay. At ultimo pagluluto ng kakainin namin ay ako ang gagawa. In short, sobrang tamad ni Roy. 

Hinding-hindi ko makakalimutan ‘yung isang gabi na nag-away kami ng malala. Tinopak siya dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko na magreklamo tungkol sa katamaran niya. Umabot sa pagtatalo, sumbatan, at ang solusyon niya ay hiwalayan ako. At hindi ito ang unang beses na nagtangka siya na hiwalayan ako, fifth time na ‘yun. Nagmakaawa ako sa kanya, lumuhod ako sa harap niya para hindi niya kami iwan dahil iniisip ko ang anak namin pero matigas siya. Kaya ang ginawa ko, umuwi ako no’ng gabing iyon, pinalayas niya kasi ako. Kinabukasan may shift ako, umiiyak ako sa trabaho, puro kape at yosi lang ginawa ko. 

Wala na akong kaibigan dahil lahat ng mga kaibigan ko ay lumayo sa akin. Kasi naman ‘yung mga kaibigan kong totoong nagmamahal sa akin eh sinabihan na akong hiwalayan ko na, pero ito pa rin ako, tanga. At dahil nga tanga ako, gumawa ako ng dummy account para magmakaawa pa rin kay Roy. Ipinagsiksikan ko pa rin ang sarili ko kahit in-unfriend, block, at kung ano-ano pa. At no’ng naramdaman kong ayaw na talaga niya, nag-decide ako na mag-move on kahit masakit. Kumausap ako ng maraming lalaki para maramdaman ko lang ang comfort dahil pakiramdam ko nga that time eh mag-isa ako at depressed ako.  

In-unblock ko ‘yung matagal ko nang crush, kinausap ko ulit siya, at unti-unti ay nagkaroon kami ng ugnayan. Nasundan nang nasundan ‘yung bonding namin, inom dito, inom doon hanggang sa isang araw, naganap ang inuman namin sa isang hotel. Ang gusto ko lang naman that time ay makasama ko siya at makausap pero may nangyari sa amin. Ayaw ko nang idetalye ang nangyari sa amin but that time alam ko na inuusig ako ng konsensiya ako.  

Pakinggan natin ang susunod na kabanata sa kwento ni Joy dito sa Raqi’s Secret Files.  

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.