May karapatan daw siya sa bata

September 13, 2021

Hi Dj Raqi. Share ko lang ‘yung story ko. Itago niyo na lang ako sa pangalang Yel. I am 25 years old now. May boyfriend ako before itago na lang natin siya sa pangalang AJ. Nakilala ko siya dahil sa isang samahan na kinabibilangan namin.

To make the story short, nagkakilala na kami and nagkakausap. At hindi rin nagtagal naging kami maayos naman ‘yung pagsasama namin. Hindi rin kami madalas mag-away. Pareho kaming trabaho ang inuuna. 18 years old ako that time, same as he. At pagtapos ng highschool, nagtrabaho na kami.

Hanggang nag-first year anniversary kami at nagdecide kaming magsama sa bahay nila. Dalawa lang silang magkapatid at ‘yung lolo niya lang kasama nya. Broken family kasi sila. Mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako.

Masaya kaming nagsasama at nangako siya na kapag nagka-pamilya na kami, hindi niya ipaparanas sa magiging anak namin ang broken family.

Dumating yung 20th birthday ko at nag-propose siya sa akin. And I said yes! Kasi wala akong nakikitang dahilan para hindi ako magpakasal sa kanya. Hiningi niya ang kamay ko sa mama ko kasi patay na ‘yung father ko.

Mabait si AJ. Maalaga, responsable at mapagmahal. One time, may hindi kami pagkakaintindihan. Maliit na bagay lang siya kung tutuusin na hindi gano’n ka-big deal. Pero nagulat ako sa naging reaksyon niya. Nag-away kami at nag-decide ako umuwi sa bahay namin.

And then wala pa’ko sa bahay, naka-receive ako ng text mula sa kanya saying “Yel, ayoko na. Pagod na’ko. Siguro pahinga na muna tayo.”

 

Sundan ang Secret File Story ni Yel, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.