May babae sa dulo ng pool

November 2, 2021

Hello, Mareng po. I want to share a creepy experience of my cousin sa isang resort somewhere here in Bulacan.

2017, before magstart ‘yung school year no’n, nagplano kaming anim na magkakaibigan na mag-overnight sa isang resort. ‘Yung apat na friends naming malalandi, sinama nila mga boyfriend nila. So, bali 10 kaming nagpunta sa resort.

Me & my cousin are same, walang jowa. Kaya ang pangit nila ka-bonding. Hahaha. Pero close naman namin mga boyfriend nila kaya naging masaya ‘yung bonding naming magkakaibigan.

Around 9 AM kami nakarating sa resort. Marami nang tao ang nandoon. Matagal na ang resort na ‘yon pero madami pa rin ang nagpupunta dahil maganda talaga ‘yung place, malawak at maraming swimming pool.

Nag-enjoy kami sa paliligo until magdilim. tapos ayun, walwal na ‘yung mga boys. Kanya-kanya nang tabi ‘yung magjo-jowa. Natagay naman kaming mga girls pero not too much. Tagay lang minsan para ‘di panget ka-bonding.

8 PM, may mga tama na ata ‘yung boys. They’re talking about sa mga ex & toxic relationship nila before. Narindi siguro ‘yung cousin ko dahil nga single at bitter. Hahaha. Nag-aya siya na lumibot daw kami.
So ayun, sinamahan ko na dahil ayaw kong ma-out of place sa mga magjo-jowa.

Nadaan kami sa isang infinity pool na ‘di naman kalayuan sa cottage namin. Naririnig pa nga namin mga BF ng friends namin na nagku-kwentuhan eh.

Basta no’ng ando’n na kami sa tapat ng infinity pool, ang bigat sa pakiramdam tapos ang weird, sobra. Parang pinahiran ng yelo ‘yung batok ko kasi ang lamig tapos nagtayuan mga balahibo ko.

 

Sundan ang nakaka-shokot na kwento ni Mareng dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.