May asawa ako, but fell in love with my husband’s client.

April 7, 2022

Hi DJ Raqi! Ang tagal ko nang fan ng programa mo. And finally, nagkaroon ako ng lakas ng loob na ituloy ang pagsusulat ko sa’yo na ilang beses kong in-attempt pero hindi ko matapos. So, ito na, nakaipon na ako ng lakas ng loob. Itago mo ako sa pangalang Jackie, 28 years old. And this is my Secret File.

May asawa ako, almost 9 years na kami but I fell in love with my husband’s client. May small business kasi kami ng asawa ko. Hindi ko na idedetalye kong anong business kasi natatakot ako na baka may makakilala sa akin. So here it goes, 2012 I got married at the age of 19 because I got pregnant by my 4-month boyfriend na si Red, of course hindi niya ‘yun tunay na pangalan.

Okay naman ang pagsasama namin ni Red bilang mag-asawa. Though, alam ko sa sarili ko na hindi ko talaga siya mahal noong una. Pinakasalan ko lang siya kasi nabuntis niya ako. And that time, he’s willing to take the responsibility. Namanhikan agad ‘yung parents niya noong nalamang buntis ako. Excited pa sila dahil first apo nila sa buong angkan ang dinadala ko. That time, no choice ako kung ‘di magpakasal sa kaniya dahil buntis ako. Malaking desisyon na hindi ko napag-isipang mabuti. So past forward, naging okay naman kami bilang mag-asawa. Aaminin ko na nakuntento na lang din ako. Pero, hindi ako ganun kasaya, parang laging may kulang.

Sundan ang kuwento ni Jackie dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.