“May asawa ako, but I fell in love with my husband’s client” – Part 2

May 12, 2022

May asawa ako, but I fell in love with my husband’s client – Part 2

Hi DJ Raqi, this is Jacky again.
Nag papasalamat po ako sa pagbabasa nyo saking secret file. Mixed emotions po ako non, talagang ramdam kasi ang emotion pag nagbabasa ka. This is the part 2 of my secret file na nAir last April 7 2022. Actually this part is too painful for me to narrate kasi iisipin ko ulit lahat, kaya iprepared myself emotionally at isulat to sa tamang oras, ung time na mag isa lang ako. So here it is.

Naputol ang story ko doon sa part na uuwi na kami galing US at ready na ako umamin sa asawa kong si Red sa nagawa ko. Feb 2020, bago mag covid-19 breakout, thankfully nakauwi kami ng safe bago mag 1st lockdown.

Early March bago mag birthday ang anak ko umamin na ako sakanya, hindi pa ko nag sasalita nag uunahan na ang luha ko, sabi ko sakanya “red may sasabihin sana ako, may nagawa kasi akong kasalanan” sabi nya ano un? hindi ako makasalita umiiyak lang ako “si Daniel kasi”… “ano nga” sabi Red.. ang tagal ko mag salita kasi di ko maasabi umiiyak lang ako, hanggang sya na ung nag tanong, “bakit may ginawa ba kayo?”… sabi ko oo e… “May nangyari sainyo?.. umiiyak lang ako na sinabing “oo, one year ago na.” Ung reaction nya nong una kalmado lang, wala sya sinabi ng mga ilang segundo bago ulit sya nakipag usap sakin, biglang naopen up nya ung mga hinanakit nya sakin hanggang sa umiyak na rin sya. Nag iiyakan kami at niyakap ko sya, sorry ako ng sorry sakanya. Sabi ko tatanggapin ko kung ano ung desisyon nya, babawi ako sakanya kung tatanggapin nya pa ako.

Kinabukasan, nanghingi sya ng konting space sakin, tho hindi naman sya umalis nasa bahay lang kami ayaw nya lang tumabi at makipag usap sakin. I gave him space para makapag isip din sya. 2nd week of March, nag 7th birthday ang anak namin, kinagabihan non, kinausap nya ako, pinapatawad na daw nya ako, at mag momoveon na kami, birthday gift daw nya un sa anak nya. Sobrang saya ko, niyakap at hinalikan ko sya. That time mas motivated na ako ayusin ung buhay namin, tho deep down inside, hindi ko parin naaalis ng tuluyan sa isip ko si Daniel, pero alam kong malapit na. Makakamit din namin ni Red ung peace of mind, hindi din naman ganon kadali un. We’re still on the 1st stage of the healing process and praying na gradually maayos na ang pamilya ko. At ang sarili ko.

Then after ng birthday ng anak namin, nag paalam sakin si Red na pupunta sila sa Thailand ng mga tropa nya para mag join sa isang competition. Nagulat ako kasi napag usapan na namin yon nong nasa US palang kami na wag na syang tumuloy at balibalita na ang covid noon. Pero di sya nag papigil kasi nakabili na daw pala sila ng ticket na hindi ko alam. Nasa US palang pala kami ay may ticket na sila ng mga tropa nya, at may accommodation pa.
March 11 flight nila, okay pa kami non. Yakap pa ng yakap sakin bago umalis. Pag dating doon nag vivideo call pa kami, nag iilove at I miss you pa. After 2 days halos di ko na sya makausap non, ang sabi nya busy daw sila doon. May 15 mag lolockddown na kinabukasan, kaya umuwi na sila agad. Kaso di na umabot, kinelangan na nilang magquarantine ng 15 days. Ung dalawang friends nya nagbook ng apartment somewhere in Manila, kasi taga probinsya pa sila. Si Red, pwede naman daw umuwi sa bahay namin at mag quarantine sa separate na kwarto. Kaso sumama sya sa mga tropa nya. I ask him why? Sabi nya need nya daw ng space para mkapag isip isip. That time iba na talaga kutob ko kasi halos hindi ko na rin sya makausap. Then I gave him space again. Nag alala na ang mga magulang nya at kinontak na ako bakit hindi umuwi ung anak nila saakin e pwede naman sya mag quarantine sa bahay, sabi ko nlng, e ayaw nya rin po kasi iwan ang mga kaibigan nya.

After 15 days, tapos na ang quarantine pero ayaw parin nyang umuwi. Hinahanap na sya ng mga anak namin na pati sila ay hindi na tinawagan simula nong umalis sya. So ako na ang gumawa ng paraan para mapuntahan sya at sunduin. Sinundo ko, ang tagal pa bago sumama, ang dami nya pang drama, nagmaka awa nalng ako na umuwi na sya kasi hinhanap na sya ng mga bata, at baka iba na isipin ng mga parents namin. Umuwi sya pero ayaw na nya matulog sa room namin, doon lang sya sa couch at laging nkatingin sa phone nya, hiniling nya sakin na wag ko sya kausapin at pakealaman, need nya parin daw ng space. So binigyan ko parin sya ng space. May time na tinatabihan nya ako, pero para lang galawin ako, ung para lang ba mag paraos. Tapos isang beses pa nga, tanghaling tapat, nag papahinga ako kwarto, pumasok sya, nagulat ako biglang tumabi saakin at pinatalikod ako at sapilitan nyang binaba ang underwear ko at ginalaw ako, kahit ayaw ko, nong natapos sya, tumayo agad sya at sinabihan ako na “fuckbuddy nalang tayo ha”. Un na ata ung pinaka masakit na ipinaramdam at sinabi nya saakin DJ Raqi, wala na akong nagawa non kung di umiyak, parang naparalyze ako sa kinahihigaan ko.

Kinabukasan, kinausap ko na sya ng sapilitan, I ask bakit sya nagkakaganito e, maayos naman na kami bago sya umalis papuntang Thailand. Wala lang daw talaga, naeenjoy na daw kasi nya ung magisa sya. Kinabukasan naisipan ko bigla na iopen ang PayPal account nya, at doon nakita ko na may malaking transaction sya ng pera sa isang babae na Thai letterings ang name. Doon lalo akong nag duda. Pinapasok ko sya sa kwarto at kinompronta ko kagad sya, “ano tong recent transaction na to?” sabi nya “Ah sa client yan refund lang”. Refund? 1 month na tayong close kaya wala ng client, at di tayo nagrerefund ng ganyan kalaki. Ang dami nya pang palusot kaso di na sya nakalusot, corner na sya, kaya umamin na. May nakilala daw syang Thai doon at ito daw ay nagustuhan nya. Pero crush lang naman daw un at wala ng iba. Ipinakita nya pa sakin ng mabilis ung FB ng babae. Kasi parang iniyabang nya pa saakin na maganda ung babae. Then nag beg sya saakin na wag na akong manggulo sakanila. Sabi ko kung ganon e mag hiwalay na tayo kasi ganyan na pala ang gusto mo mangyari, wala ng sense na magkasama pa tayo. Sobra ung iyak ko non na hindi na ako makahinga. Sabi nya hindi sya aalis para sa mga bata basta hayaan ko na sya sa iba. So bumaba muna ako nagpakalma lang at kumain, nong medyo okay na ako, naalala ko ung name nong babae, kasi english ung name sa fb, itago nalang natin sya sa pangalang witch kasi katunog talaga un ng totoo nyang name. sinerch ko si witch sa FB, at inumpisahan ko sa pag add sakanya. Jusko wala pang isang minuto, bumaba agad si Red, at nag makaawa na wag ko imessage o iskandaluhin ung babae. Sabi ko relax, inadd ko lang naman e. So ayun umakyat na ulit sya sa kwarto. Then naisipan ko bigla, ung lahat mga ginawa nya saakin na mas masasakit. At bigla kong naisip na asawa ako bakit ako papayag ng ganon ganon nalang nya ako tratuhin, kahit sabihin mo pa na may nagawa din ako sakanya na mali, walang may deserve ng tulad ng gingawa nya sakin ngayon.

Sundan ang kwento ni Jackie dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.