“May anak kami ng GF ko, pero ‘di ko kamukha. Nasalisihan yata ako.”

September 29, 2022

“May anak kami ng GF ko, pero ‘di ko kamukha. Nasalisihan yata ako.” 

Hi, DJ Raqi! Itago mo na lang po ako sa pangalang “Jun” at ito ang aking Secret File.  

Noong highschool po ako, nakilala ko po ang babaeng nagpatibok ng puso ko.  Itago na lang natin siya sa pangalang “Karen.” Nakilala ko po siya dahil sa mga kaibigan kong babae na kababayan niya at niligawan ko po siya noong March 12. 

Bago po siya pumayag na manligaw ako sa kanya ay may inamin siya sa akin. Three months pa lang daw sila nag-break ng kanyang naging boyfriend at sa loob ng three years nilang mag-boyfriend ay marami na raw ang nangyari sa kanilang dalawa. 

So, napaisip po ko ako at awang-awa ako sa kanya dahil sa ginawa ng boyrfriend niya, na sa tagal nilang pagsasama, eh, ‘yun lang pala ang gagawin sa kanya, ang iwanan siya.  

Tinanggap ko po siya ng buong-buo at ipinangako ko sa sarili ko na ako po ang gagamot sa kanyang pusong luhaan hanggang sa makalimot siya sa kanyang nakaraan, at binigyan niya rin po ako ng chance na ligawan ko siya. Hindi rin nagtagal ay naging kami na po ni Karen, girlfriend ko na siya.  

Fast forward, sa loob din po ng three years ay marami po kaming napagdaanan sa aming relasyon. Away-bati, break up, at magkakabalikan ulit pero, hindi nawawala sa isip ko na ako ay panakip butas lamang ni Karen dahil ‘yung lalaking nagloko sa kanya ay ang first love niya. Kahit pagod na pagod na ako at nahihirapan sa mga naiisip ko ay tinitiis ko po ang lahat dahil nga mahal ko si Karen. Masakit po, DJ Raqi, pero handa ko pong gawin ang lahat para maging maayos ang aming relasyon ni Karen.  

Fast forward, fiesta po ng isang bayan dito sa probinsya namin at tumugtog po kami doon kasama ang aking bandmates. After two days doon ay umuwi po kami at dumiretso ako sa boarding house ni Karen ngunit wala siya ro’n. Hindi ko siya ma-contact at ni isa sa kanyang boardmates ay hindi alam kung nasaan si Karen. Umalis po ako at pumunta patungo sa may palengke para bumili ng isda at nakasalubong ko ang isang boardmate ni Karen na babae. Tinanong ko siya, “Nasaan si Karen?” Ang sagot niya ay “Nandoon sa kaibigan namin!” Sabi ko, ”Samahan mo naman ako ro’n.” Pero sabi ng boardmate ni Karen na “Pauwi na kami at busy si Karen.”  

Sa mga oras na iyon, DJ Raqi, ay parang kinabahan ako na parang may ibang nangyayari na hindi ko alam. Umuwi po ako sa bahay at nagluto ng ulam, hindi po ako mapakali dahil ‘di ko man lang ma-contact si Karen sa mga oras na iyon!  

Kinabukasan ay pumunta ulit ako sa boarding house ni Karen, nandoon  po siya naliligo sa CR. Narinig ko na tumunog ang kanyang cellphone at kinuha ko, isang lalake na itago natin sa pangalang “Noel” ang nag-text sa kanya at sabi “Papunta na ako riyan.” 

Alamin natin ang mga susunod na mangyayari sa kwento ni Jun dito sa Raqi’s Secret Files.   

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.