Masayang magmahal kaso mali

September 16, 2021

Hi Dj Raqi,

Maraming salamat kung mababasa at mapipili mo itong aking Secret File Story. No’ng una kong marinig ang programa mo, natuwa ako dahil binibigyan mo ng boses ang mga hindi makapagsalita sa marami.

At dahil na rin sa mga advice mula sa mga listener mo, salamat sa programa mo dahil masasabi ko ang mga nais kong sabihin. Itago mo na lang ako, DJ Raqi, sa pangalan na Liezel, at dito na nagsisimula ang aking Secret File.

Ako ‘yung tipo ng tao na introvert. Masayahin, pero kabaligtaran na ngayon. Masasabi kong mula no’ng bata pa ako na iba na ang gusto ko. Ibang daan ang gusto ko kahit na gusto nila akong pa-diretsuhin lang. If you get what i mean.

Wayback 2012, ako’y 8 years old pa lamang. Pamilyar kayo sa salita na puppy love? Isang romantikong pag-ibig na nararamdaman halos ng mga kabataan ng walang tiyak na commitment. ‘Yan ang aking naramdaman noon sa isang tao na itago na lamang natin sa pangalang A.

Nakita at nakilala ko si A habang nasa loob ako ng tindahan ng lola ko noon kasama ang kapatid ko at ang tindera niya. Magkakasama sila no’n ng mga kaibigan niya at mukhang bibili sila sa tindahan namin. Nang makabili na sila, umupo sila sa gilid namin para magpahinga muna pero hindi niya alam na sumisilip silip ako sa kanya habang nagtatago ako sa gilid sa loob ng tindahan namin.

Mahirap na, DJ Raqi, baka mahuli ako at malaman niya na nagkakagusto ako sa kanya. Pero totoo nga pala ang kasabihan na walang lihim ang hindi nalalaman ‘no?

Nalaman niya na may pagtingin ako sa kanya dahil sa kapatid ko at tindera ng lola ko pero hindi ko in-expect na matatanggap niya ako sa pagkatao ko.

 

Sundan ang Secret File Story ni Liezel, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.