Makakahanap din tayo ng taong susukli sa kaya nating ibigay

September 2, 2020

“Isa po ako sa mga masugid na taga-subaybay ng lahat ng secret files na binabasa niyo. Kaya naisip ko ulit magshare. Minsan naiisip natin na ‘yung taong minamahal natin ay siya na ‘yung mamahalin natin ng pang-habang-buhay na wala ng hihigit pa sa kanya.”

Itago niyo ako sa pangalang Mr. Right, 28 years old.

Third year high school kami no’n nang magbigay siya sa akin ng motibo na gusto niya ako. Itago natin siya sa pangalang Anne. Naaalala ko noon na habang nasa klase kami, sinabi ng kaibigan niya na trip niya ako. Pero hindi ko iniintindi ‘yun dahil baka joke lang at hindi seryoso dahil sa pagkakaalam ko sila pa ng boyfriend niya. At may iba rin akong gustong ligawan nu’ng time na ‘yun. Pero after ilang months, nang ‘di ako iniintindi ng nililigawan ko siya naman itong patuloy na sulyap nang sulyap sa ‘kin at minsang nagtatagpo ang mga mata namin nang nakatingin siya sa ‘kin.

Sundan ang susunod na manyayari sa secret file ni Kabisyo Mr. Right sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.