Mahal ko siya pero mas mahal ko ang anak ko – Part 2

March 31, 2021

Sobrang nagulat ako nung pag bukas ko ng Youtube last March 24 ay sariling kwento ko ang nakita kong naka-upload. Parang hindi pa nag sink-in sa utak ko na na kaya kong i-share ang istorya ng buhay ko sa public at habang pinapakinggan ko, umiiyak na pala ako. Mas masakit pala kapag naririnig mo na ang sariling kwento mo. Kaya heto, na inspire akong i-share ang kabuuan ng kwentong ito. Ako si Joy, at ito ang aking Secret File.

Bata pa lang ako, nakatanim na sa utak ko na dapat first ako sa lahat ng bagay. Dapat ako ang the best! Bunso ako sa tatlong magkakapatid at nag-iisang babae. Naaalala ko pa ang pressure nun kapag nage-ensayo kami ni Mama dahil may sasalihan akong Amateur Singing Contest. Naiinggit ako sa mga kapwa ko bata na malayang gawin ang gusto nila. Kailangan kong mag aral ng mabuti para di maagaw ang pwesto sa pagiging First Honor ko sa Elementarya sa lugar namin. Since Grade 1 to Grade 6, consistent first honor ako. Bahay – paaralan – simbahan lang ang destinasyon ng kabataan ko.

Lumaki ako sa pamilya ng mga Pastors kaya napaka-konserbatibo at relihiyoso ng pamilya ko. Hindi ko pa ramdam ang pressure nun hanggang sa mag high school ako. Nag working student ako sa pinsan ng Mama ko at doon ako natutong matulog ng ‘di kumakain dahil tinatago ko ang share ko sa dinner para baon kinabukasan.

Naranasan kong maglakad ng 3 kilometers araw araw makapasok lang sa paaralan. 12 years old pa lang ako pero tatlong bata na inaalagaan ko; pinapakain at pinapaliguan bago papasok sa eskwela. Kinaya ko ‘yun dahil ayokong biguin ang mga magulang ko . Second year high school, nakakuha ako ng scholarship kaya nakauwi ako sa amin. Masayang masaya ako nun dahil hindi ko na kailangan tiisin ang panlalait ng asawa ng uncle ko. So, bumalik ulit ako sa pagiging Top 1 sa klase. Naalala ko pa na First Grading Period , I got a yellow card. ‘Yun ang tawag sa’min kapag ang grades ay 90+. Ang highest grade ko nun ay 97 sa Science. Sobrang saya ko ipinakita ang Report Card ko sa mga magulang ko. Pero kiber! Hindi na bago. Hindi na dapat nila ikasaya dahil sanay na sila.

Hanggang sa ‘yung 97 na ‘yun, naging 93 dahil late akong naka-pasa ng project. Galit na galit ang mama ko nun at napagbuhatan ako ng kamay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangyayaring ito sa buong buhay ko. Dahil dito nagsimula kung bakit ako nagbago. From being the Family’s pride I turned into being the black sheep of the family daw. Sumali ako sa gang kung saan sinampal, tinadyakan, at kung anu-ano pang ginawa bilang initiation rights. Ang tigas ng puso ko nun. Punong-puno ako ng galit at hinanakit. Hindi ko magawang umiyak.

Hanggang sa nahuli ako ng pamilya ko dahil may mga pasa ako sa kamay, binti at kung saan pa parte ng katawan. Doon mas lumala ang pakikitungo nila sa akin. Nilipat ako ng eskwelahan and bumawi ako sa Academics. I got on track again. Parehong academics and extra-curricular activities, pinagsabay ko para mapatunayan sa pamilya kong hindi ako katulad ng iniisip nilang pasaway ako, sakit sa ulo at walang mararating sa buhay. I graduated with honors kaya I got a scholarship from a Korean Foundation. Advantage sa’kin ‘yun kasi kahit anong course at saang school ko gustong mag enroll ay covered lahat ng scholarship. I really wanted to enroll BS Journalism that time. Kasi alam ko doon ako magaling; doon ako magiging masaya.

Unfortunately, ‘di ako pinayagan dahil sa past records ko sa pamilya ko. Walang tiwala ang pamilya ko sa’kin! I was so upset that time. Parang ayoko na lang mag aral kasi ‘yung pinag-enrollan nila sa’kin, walang BS Journalism na course. I ended up, BS Agricultural Business Management. Eh anong alam ko run? Naging okay naman nung first semester. Pero ‘di ako masaya. Sobrang hirap kasi 500 pesos allowance ko sa buong linggo, eh babawasan ko pa ng 150 pesos para sa pamasahe papunta sa school. Minsan di na lang ako umuuwi sa bahay para di mabawasan ang 500 pesos. Ang ginagawa ko nun, nagpi-presenta akong mag luto, mag hugas ng plato at mag kiskis ng kaldero sa mga boardmates ko para libre ang pagkain ko.

Minsan naman, ako gumagawa ng homeworks ng kaklase ko para makagala sila tapos bibigyan nila ako o ililibre ng meryenda. Worst thing happened, I got harassed by my Math Professor. Sa inosente kong pag-iisip, ang alam ko lang nun natatakot akong makita siya kaya ‘di ako pumapasok sa klase nya. Naalala ko pa nun ‘yung klase ko sa kanya everyday. From University Gym, kasi may P.E. na first period at 9-10am, 20 mins ang lakad papunta sa Math building samantalang ang classmates ko, sumasakay ng motor para makaabot sa 10 na klase. Lagi akong nabu-bully nun. Kasi late ako palagi and they just laughed at me when this Professor started to harass me. I failed my Math subject because of that.

I begged him to give me another chance; at least to pass the subject. He asked me something na alam kong hindi ko kayang gawin. And there, mas hinayaan kong bumagsak kaysa dungisan ang dignidad ko bilang babae. Doon nag-umpisa na naman lahat. I wasn’t able to enroll for second semester dahil nawala na yung scholarship. Ang baba ng tingin nila nun sa’kin. Nasayang lang daw yung pagiging first honor ko; nauwi lang sa wala. Ang taas ng expectation nila sakin. Na hindi na nila napapansin, para akong puppet na susundin lahat ng gusto nila kahit ‘di na ako masaya. Dapat perpekto ako sa paningin nila. Samantalang ‘yung dalawang kuya ko, masaya na sila sa mga grado. At least, ‘di bumabagsak . Ako? Hanggang kailan ko papatunayan sarili ko para sumaya sila?

Year 2012, I’ve met Jazz, the father of my child. Sobrang sabik ako nun sa pagmamahal at pag-aaruga. Sa kanya ko nakita at naramdaman ‘yun. Siya ‘yung nakakaintindi sa akin kaya sobrang nagtiwala ako sa kanya. Masaya ako na may karamay ako at nasasabihan ako sa lahat ng hinanakit ko sa buhay. Until I got pregnant and was forced to marry him. Doon mas lalong gumulo ang buhay ko.

Back to reality, may nagtatanong sa Part 1 ng story ko kung ano ba daw yung burden na dinadala ko. To be honest hindi ko alam kung paano ko sya maisa-isa. Yung muntik na akong magahasa ng sarili kong tiyuhin pero never ko sinabi kanino man. Kasi ayoko ng gulo. Ganun ako eh. Mas gusto kong manahimik dahil ayoko ng sakit sa ulo. Hindi ko alam na dadalhin ko ‘yun hanggang ngayon.

‘Yung hanggang ngayon, pinapatunayan ko ang sarili ko sa pamilya ko. Na dapat, mapasaya ko sila lagi. Na wala akong karapatang sabihin ang totoong nararamdaman ko dahil sila mismo huhusgahan ako. Na I’ve been mentally and emotionally abused by the family of the father of my child. Na hindi ako nagawang ipagtanggol at kailangan kong lumaban mag-isa sa kabila ng paglaban ko sa buhay naming mag-ina.

Paano ko makakalimutan lahat? Paano ko maiaalis lahat ng sakit at hinanakit? Na alam ko namang kapatawaran ang kailangan ko para makalaya ako sa bigat ng dinadala ko. Pero paano nga ba mag patawad sa mga taong ‘di naman humihingi ng tawad?

After my story was seen and heard, I’ve blocked Hunter and Aghiad sa mga apps kung saan kami nagco-communicate. I’ve prayed and asked God to give me a sign kung ano at sino ba talaga ang ibibigay Niya for me. Sabi ko kung sino ang mauunang mag reach out, then ‘yun na ang sign na siya ang ibinigay ni God for me. After that, at around 11 pm, ring ng ring ang phone ko.

It was Aghiad.

 

Sundan and Secret File story ni Joy, dito lang sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.