Mahal ko pa rin siya kahit na may mahal na siyang iba

July 21, 2021

Hi DJ Raqi. Isa ako sa mga masugid mo na taga-pakinig. Itago mo na lang ako sa pangalang Alexa, at ito ang kwento ko.

Nakilala ko si Ken when I was applying for a job last year. I still remember that day; It was Valentine’s day. Ken is a friend of my best friend’s boyfriend. Nakilala ko siya after my first interview for a BPO Company.

At first, nahihiya ako. ‘Di ko siya masyadong kinakausap. Umiinom sila no’n. Kami ng bestfriend ko, ‘di kami uminom no’n kasi nga meron pa akong final interview kinagabihan. No’ng gumabi na, he offered na sa motor na lang daw niya kami sasakay na apat kasi nga, sasamahan nila ako sa journey ng pag-a-apply ko.

So ‘yun na nga. We travelled that night from the house where we stayed for a night to the office where I’m applying for. They waited for me for almost 1 hour. Then after that, pabalik na kami sa house ng pinag-stay-an namin which is bahay no’ng jowa ng best friend ko. Pero stop by sa isang store at 1 in the morning kasi nga I just got a text that I got the job and to celebrate, my best friend offered na bibili daw siya ng alak .

So we bought 1 bottle of hard drink for them and 2 bottles of light drinks for me ’cause mahina ‘yung tolerance ko sa alak. So ayun na nga, uminom kami sa bahay nung jowa ng kaibigan ko. Do’n na kami nagka-usap ni Ken.

He seems to be a nice guy naman kaya parang gumaan ang loob ko sa kanya. We talked about sa GF niya, kung ano ‘yung binigay niya sa GF niya kasi nga Valentine’s day. Naiwan na kaming dalawa sa labas na nag-uusap.

He invited me for his upcoming birthday pero sabi ko baka ‘di ako makapunta kasi nga baka may trabaho ako no’n. But he said na he will be expecting me. And that day came, he called me asking if I will come but I said na hindi kasi pagod ako from a graveyard shift. And naintindihan naman daw nya.

Days passed by. February 21, he told me na wala na raw sila no’ng jowa niya and I ask him why. Then he said that “Hindi na kami nagkakaintindihan. Palagi na lang kaming nag-aaway.” Sabi ko, ang liit nung issue niyo. Hindi break-up ‘yung solusyon diyan.

Pero deep inside my heart, I felt happy about the news. Impokrita man sabihin pero wala eh. Masaya ako na hiwalay na sila kasi that time, I’ve already fallen in love with him.

 

Sundan ang Secret File Story ni Alexa, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.