Mahal ko pa rin ang Bestfriend ko kahit hindi na p’wede!

January 21, 2021

Itago mo na lang ako sa pangalang Isla.

Sabi nila first love never dies. Kahit na taon na ang lumipas, mahal ko pa rin siya. Nagkaroon man ako mg maraming karelasyon, may space pa rin sa puso ko na mananatiling para sakanya.

High school kami ng magkakilala kami ni Kyra. 2nd year kami nun ng maging crush ko siya. Yes! I’m a Lesbian. Nainlove ako sa boses niya. Ang galing kasi niyang kumanta. Mala-Regine Velasquez. Hindi pa kami close nun. Ligaw tingin lang ako sakanya. Lagi lang akong nakaabang sa labas ng classroom namin para marinig ko lang siyang kumanta. Siya ang laging bumubuo ng araw ko.

4th year kami ng ipinakilala siya sa akin ng common friend namin, si Vin. Doon na nagstart ang closeness namin. Lagi na kaming magkasama. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay. Hinahatid ko siya sa bahay nila after school. Ako ang taga sulat niya ng mga notes dahil tamad siyang magsulat. Chaperon din niya ako kapag magkikita sila ng mga naging jowa niya dati. Pag sumasali naman siya ng mga contests, ako ang nagiging dakilang P.A. niya. As in Personal Alalay.

Sweet siyang tao. Kahit sino ma-fafall talaga sakanya. Palayakap, paladantay. Palaging nakahawak sa kamay.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo Isla sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.