Mahal ko ang bestfriend ko

April 7, 2021

Itago niyo na lang po ako sa pangalang Janine.

Matagal ko nang gusto ‘tong lalaking ‘to at itago na lang natin siya sa pangalang Russ. No’ng nasa ‘Pinas pa po kasi ako, hindi pa kami gaanong magka-close. Tinitignan ko lang siya. Tina-try ko siyang kausapin pero nahihiya ako i-approach siya.

Nung 2011, umalis na ako ng ‘Pinas. Pumunta na ako ng New Zealand kasama ang parents ko. Hindi ko pa rin siya kayang kausapin. Ini-stalk ko lang siya sa Facebook araw-araw. Hindi ko nga alam kung alam niyang may gusto ako sakanya kasi noong nasa ‘Pinas pa ako, lagi ako nakatitig sa kanya na para bang ayaw na umalis ng tingin ko sa kanya. Parang nakita ko na ‘yung taong gusto ko makasama.

After how many years, nag ayos ako, pumayat ako, ginawa kong babaeng babae ang sarili ko baka one day mapansin niya din ako. Nag-gym ako, nag-make up ako, as in ginawa ko lahat para mapansin man lang niya.

Ngayong 2021, after 10 years nagka-lakas ako ng loob na mag-react sa My Day niya. Nag-try ako at ayon nga. Nagka-chat kami, nagka-usap kami, at nalaman ko na magkaka-anak na siya. Siyemprey medyo nagulat ako at nalungkot.

Hiwalay daw sila nung dati niyang ka-relasyon. So ako naman, tinanong ko kung bakit. Dahil nga daw sobrang toxic na at hindi na din mahal ang isa’t-isa. Tina-try ko siya i-comfort pero feeling ko mali ‘yung ginagawa ko kaya ang sinabi ko sa kanya, “Baka kaya niyo pa ayusin. Baka may chance pa, lalo na magkaka-anak kayo.”

Sabi naman niya, parehas na nilang napag-desisyonan. Sabi ko naman, “Baka naman galit lang kayo kaya ganyan desisyon niyo?” At ang sabi niya, hindi na talaga magkaka-ayos dahil nakapag-usap na sila.

Umabot na ng ilang linggo ang pagu-usap namin. Minsan magka-call kami. Tinatawagan niya ako kapag trip niya. Ngayong malapit na ang birthday niya, ngayong May 10, nag-effort ako sa kanya. Binilhan ko siya ng mga gamit; mga hindi niya pa nabibili noon. Binili ko para sa kanya. Pinakita ko lang na deserve din niya sumaya sa dami niyang pinagdaanan sa buhay. Nakikita ko sa kanya na mabuti siyang tao; Mapagmahal na anak sa parents niya, at hindi sya nagkukulang sa pagiging tatay niya.

Lumipas ang ilang linggo, umamin na ako sa kanya na sobrang tagal ko na siyang gusto.

 

Sundan ang Secret File Story ni Janine, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.