Mahal, kahit anong mangyari, lagi akong babalik sa’yo

April 29, 2021

Hi DJ Raqi! Itago mo ‘ko sa pangalang Mae. Sabi nila, true love comes once in a lifetime at siguro nga, totoo ‘yun. I met my great love when I was 9 years old and 19 years after, mahal na mahal ko pa rin siya. This is my secret file.

Nakilala ko si John dahil sa aking Kuya. Mag-kalaro sila sa basketball. Unang kita ko pa lang sa kanya ay napansin ko agad ang kanyang napakagandang ngiti at malungkot na mata. Kaya’t sa tuwing nag- lalaro sila sa court ay lagi akong sumasama kay Kuya upang makita siya. Laging may kung ano sa aking tiyan tuwing makikita ko ang kanyang ngiti. Lagi kong sinusulat ang pangalan niya sa likuran ng aking notebook at kilig na kilig talaga ako sa kanya.

Ilang buwan akong nakuntento na tingnan lang siya sa malayo hanggang pagdating ng highschool ay naging mag-kaklase kami. Doon ko napatunayan na he’s more than just a pretty face. Matalino rin pala siya at mabait. Madalas kaming nasasali sa mga quiz bee at tuwing makakasama ko siyang mag review ay lalong tumitindi ang paghanga ko sa kanya.

Kahit simpleng pag pulot niya sa nalaglag kong lapis ay kilig na kilig ako. Lagi rin kaming tinutuksong dalawa. Madalas ay kami ang ginagawang muse at escort.

Pagdating ng 3rd year highschool ay kumampi sa akin si kupido. Nag tanong si John kung pwede raw ba siyang manligaw. Agad-agad naman akong pumayag at pagkatapos ng 6 na buwan ay sinagot ko siya. Sobrang saya ko sa kanya. He brings out the best in me. Pagdating ng graduation ay siya ang naging Valedictorian at ako naman ang Salutatorian. Pinatunayan namin na hindi naman hadlang sa pag-aaral ang pakikipagrelasyon.

Pagdating mg college ay parehas na Nursing ang aming kinuhang kurso. Nahirapan kami ngunit dahil lagi kaming nagtutulungan ay parehas kaming nakapasok sa Dean’s List.

Kaya lang ay may iba pa palang pangarap si John kaya’t pagdating ng 2nd semester ay nag drop siya para ituloy ang pangarap na mag-silbi sa bayan. Pumasok siya sa Academy at doon nasubok ang tatag naming dalawa. Mahirap magmahal ng kadete kasi madalas ay walang oras sa iyo. Minsan ay makakatakas siya na tawagan ako ngunit ilang sandali lang ay naghihilik na dahil sa sobrang pagod. Sa kabila ng busy niyang schedule ay ni minsan hindi ko naramdaman na may kulang. Kahit mag kalayo kami ay ramdam ko na mahal na mahal niya ako.

Sinamantala namin ang panahon na magkalayo kami para paunlarin ang mga sarili at tuparin ang mga pangarap. Naka-graduate ako at nakapasa ng boards. Siya naman ay Top 5 noong grumaduate sa Academy. Proud na proud ako sa kanya. Ang sarap makita na mag tagumpay ng taong mahal na mahal mo.

After graduation ay nadestino agad siya sa malayo at ako ay pumasok ng Med School. Parehas ang hangarin namin na mag-silbi sa bayan. Hindi naging madali ang takbo ng aming relasyon. Madalas ay wala kaming oras sa isa’t isa ngunit sapat ‘yung pagmamahal na mayroon kami sa isa’t isa upang lampasan lahat ng pagsubok.

Lagi niyang pinaparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako. Wala akong ibang naging kaagaw sa kanya kung hindi ang trabaho niya. Madalas ay lagi rin niya ako sinusurprise sa tulong ng kanyang pamilya. Pag nakabakasyon naman siya ay hindi kami mapaghiwalay

Naging inspirasyon namin ang isa’t isa upang mas maging mabuting mga tao. Tandang tanda ko pa ang lagi niyang bilin sa akin na “Mahal ko, lagi mong piliin na maging mabuti”

Nagbunga lahat ng sakripisyo nang maging isang ganap akong Doctor. And as we celebrate our 12th anniversary, nag-propose siya sa akin. Lumuhod siya sa harap ko at ng pamilya ko. The day I said “Yes” to my best friend was the happiest day of my life.

6 months after planning our wedding, we vowed to God that we will be together forever. Sobra ‘yung saya ko noong nakita ko siya na nasa harap ng altar at iniintay ang paglapit ko. Ang tagal ko siyang ipinagdasal at ibinigay naman siya sa’kin ni Lord. Kilig na kilig ako tuwing tatawagin niya akong “Misis ko”.

Imagine, I was only 9 years old noong pangarapin ko siya at 19 years after, naging asawa ko siya.

Our honeymoon was cut short dahil sa aming mga trabaho ngunit nangako siya na uuwi ulit siya after 3 months para sa blessing ng aming dream house.

It was the happiest day of my life.

 

Sundan ang Secret File Story ni Mae, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.