Mahal hintayin mo ‘ko diyan sa langit ha?

November 18, 2020

Itago niyo na lang po ako sa pangalang Cess.

Since 2012, nang una kaming nagka-kilala ng lalaking minahal ko at ginawa kong mundo na itago na lang natin sa pangalang Obin. Tandang-tanda ko pa nu’ng unang beses ko siya nakita. Sa hindi pa inaasahang pangyayari. Medyo gangster pa ako nu’n at ganon din siya. Nataon na may inaantay ako sa labas ng school, ‘yung bestfriend ko. Nang makita ko ‘yung mismong gumulpi sa bff ko. Kaya sa gano’n, ako ang umaway at gumulpi du’n sa babae. Si Obin, umaawat siya sa akin nu’ng time na ‘yun pero ewan ko ba ano ‘tong taglay kong lakas at sa pag-awat niya naitulak ko siya ng malakas at nasalya siya sa isang jeep.

Fast forward, naging tropa kami. At nang tumagal tagal naman ay nagkaka-palagayan na kami ng loob. Dahil hindi ko naman talaga maikakaila na kagaya niya ‘yung mga tipo ko sa isang lalaki.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo Cess sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.