Magulang ko pa rin ang tumanggap sa akin ng buong-buo

July 31, 2020

Panahong hinding-hindi ko malilimutan.

By the way, tawagin niyo na lang akong Cindy.

Nasa College level na ako nu’n. Sumali ako sa isang dance group sa University namin, for scholar purposes na rin. Then, sa mga ka-dancer ko, meron silang mga ‘di kakilalang mananayaw outside school. Meron silang pinakilala sa akin na isang lalaki na itago na lang natin sa pangalang Roy. Sa una, hindi ko siya type. Hanggang sa nagkabigayan ng number at naging mag-callmate na rin that time. Kahit na hindi ko siya gusto.

Nawalan na kami ng comunication sa isa’t-isa. Nagpalit na ‘ko ng sim card that time. Isang taon din lumipas na walang kontakan. Hanggang sa isang araw bigla kaming nagkita sa isang plaza dahil nandoon lahat ng mananayaw dahil may isang event na magaganap sa plaza. Nagkumustahan at nagkakwentuhan na rin. Pagkatapos nu’n kinuha niya ulit number ko at s’yempre, binigay ko. Tsaka nagmature na pala si Roy.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo Cindy sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.