aliwan fiesta banner aliwan fiesta banner

Love ako ni Father | Raqi’s Secret Files

May 18, 2023

 

“Nag-I love you si Father sa’kin at willing daw siya lumabas ng bokasyon para sa’kin.”

Hi, DJ Raqi! Avid fan mo ako. Halos lahat ng Secret Files mo, narinig ko na ata. Minsan, nalilibang ako at minsan, iba ang pakiramdam ko hanggang sabi ko sa sarili ko, share ko rin kaya ang aking Secret File? Salamat kung mababasa mo ito, DJ Raqi. Itago mo na lang ako sa pangalang Sunshine at ito ang aking Secret File.

Mula pa pagkabata, gustong-gusto ko maging isang madre, pero palagi akong kinokontra ng mama ko dahil sabi niya, makakapaglingkod naman daw sa Diyos kahit hindi maging isang madre. Ewan ko. Napakarelihiyoso ng mama ko, pero ayaw niya nang may anak siyang madre dahil ang nasa isip niya, mawawala na nang tuluyan ang kaniyang anak. Wala noon sa isip ko talaga mag-asawa dahil sabi ko, parang ang hirap ng may asawa. Basta, parang lahat negative sa akin ang salitang ‘asawa.’

Hindi naman sa pagmamayabang, noong college ako, marami akong naging suitors. Sabi nga ng mga boardmate ko noon, ako raw ang ligawin sa aming boardmates. Bale 14 kami noon sa isang boarding house, isang bahay na tama lang ang laki. Hindi naman ako maganda, pero sabi nila, malakas daw ang appeal ko sa mga lalaki dahil daw ang tangos ng aking ilong na minana ko naman sa aming ama.

Natatandaan ko noong nasa second year college ako, mayroon sa aking manliligaw na classmate ng aking boardmate. Ewan ko kung bakit ayaw na ayaw ko sa kaniya. Pumapasok siya sa ibang school at ako naman sa ibang school, pero madalas sumusundo siya sa akin lalo pa kung ang labas ko ay ’yong last period namin na 8:30 p.m. na. Dahil sa ayaw ko sa kaniya, nakipagkasundo kami sa isa naming katropa na tawagin na lang natin siya sa pangalang Quiet. Ito si Quiet, talagang hindi siya pala-imik, pero sa tropa namin, siya ang pinaka-close ko. By the way, bale walo kami noon sa tropa, apat na lalaki at apat kaming babae, pero talagang naging close kami sa isa’t isa dahil ang mga lalaki naming katropa, mga magalang at talagang hindi marunong mag-take advantage. So, ganoon na nga, one whole year hanggang nag-graduate ako nand’yan si Quiet, tagasundo ko noong college ako. Marami sa batchmates namin ang nagtatanong kung kami na raw. Sabi ko, friend ko lang siya dahil itong si Quiet, mayroon palang girlfriend sa bayan nila na hindi naman na ikukuwento sa aming tropa at nalaman daw nitong girlfriend ni Quiet na sinusundo ako palagi sa school. ’Yon ang dahilan kaya nakipag-break up itong babae kay Quiet. Ang babaw naman ng rason kung tutuusin.

Sundan ang kuwento ni Sunshine dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.