Kung pwede lang sana sumama sayo sa kabilang buhay

January 4, 2022

Matagal na akong silent listener n’yo DJ Raqi. Nakaka-relate ako sa mga binabasa mong story. ‘Di ko akalain na susulatan ko rin ang aking buhay. Gusto kong ibahagi ang kwento kong ito para naman mabawasan ang bigat at sakit na aking nararamdaman. Ang sakit mawalan ng lola DJ Raqi, lalo na’t lola’s girl ka. It’s been a year pero ‘yung sakit napaka-fresh pa rin. Itago mo na lang ako sa pangalang Miss A, Tubong Mindanao and this is my secret file. 

 

Habang sinusulat ko ito, hindi ko mapigilan ang mga luhang pumapatak sa mata ko. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang istorya kong ito DJ Raqi. Pasensya na kung magulo ang pagkasulat ko kasi sobrang sakit pa rin talaga. N’ung pinanganak ako, si lola na ang nag-alaga sa akin. S’ya ang naging nanay ko kahit and’yan naman talaga ang totoo kong ina. Sakitin kasi ako DJ Raqi, n’ung pinanganak ako nagnana ‘yung puson ko. Muntikan din akong ‘di mabuhay n’un. Pero ito namang always saver ng buhay ko, hindi nawalan ng pag-asa na humanap ng gamot. Di nga s’ya nabigo. So, ayun, tuluyan na akong gumaling. 

 

Fast forward. Kinder ako n’un n’ung kasama ko ang pinsan kong lalaki itago na lang natin s’ya sa pangalang Keith. Palakad kami n’un dala-dala ang aming tag-iisang payong para makabili ng lollipop. Nasa gilid na kami at akmang tatawid na sana nang biglang “Boom!” nasagasaan kami ng motor ng tito ko.

 

DJ Raqi alam mo, at sa lahat ng tagasubaybay, kung ano ‘yung masakit? ‘Yung ako ang laging malas sa buhay, ako ‘yung napuruhan eh ‘yung pinsan ko gasgas lang ang natamo. Samantalang ako, hindi makalakad. Naging lumpo ako, ang sakit sa mura kong edad ang dami ko nang pinag daanan na hirap. Wala din kaming pera para madala ako sa hospital that time. Si lola, oo si lola na naman ang gumawa ng paraan para makalakad ako muli. ‘Yun bang ‘di n’ya ininda ang init ng araw para makahanap lang ng tagahilot para tuluyan akong gumaling.

 

Isa, dalawa, tatlo, apat na ang naghilot sa akin di pa din ako makalakad. Naghanap uli si lola hanggang may nakita s’yang magaling na tagahilot unti-unti na rin akong nakalakad hanggang sa naging tuwid ang paglakad ko. S’ya nga pala, kay lola pala ako nakatira may sariling bahay sila mama at si lola naman sa bahay n’ya kasama ang isa pa n’yang anak at mga pinsan ko. Elementary days tanda ko pa lagi akong nagsusumikap para maging honor student kasi lagi akong may bagong dress at sandal. Si lola pa, nakapa spoiled ko n’un sa kanya. Walang nag-aaway sa akin dahil si lola makakalaban nila. Ganun ang eksena lagi sa tuwing inaaway ako ng mga kuya ko. Ako lang kasi ang babae sa aming tatlong magkapatid at bunso rin.

 

Alam mo DJ Raqi kung ano ‘yung namimiss ko lagi kay lola ang kwentuhan namin kulitan sa mga simpleng bagay na sinishare ko kay lola. ‘Di s’ya nagdadalawang isip na ‘di makinig sa akin sa nga kadramahan ko sa buhay and’yan s’ya. Sa kan’ya ko nga lang nababahagi ang aking naging crush, mga hinanakit, mga achievements ko, kasi super close talaga namin ni lola. Grabe ang pagmamahal ng isang lola para sa apo nila, saan man s’ya pumunta andun ako nakabuntot sa kan’ya. ‘Di rin n’ya ako kaya iwanan kina mama kasi gusto ko talaga kay lola lang ako. Time fast by namatay y’ung tita ko, kapatid ni mama na anak ni lola. Bale, dalawa lang ‘yung anak ng lola ko, super sakit kasi nawalan kami ng mahal sa buhay. Actually ‘di ko naisip na ina rin pala si lola at nasaktan din sa pagkawala ng anak n’ya kasi ‘di makikita sa bakas ng kanyang mukha ang pagkalungkot. Pero d’un na pala mag simula ang lahat.

Sundan ang kwento ni Ms. A dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.