“Kung pwede lang kita agawin sa kanya ay ginawa ko na”

June 21, 2022

“Kung pwede lang kita agawin sa kaniya ay ginawa ko na”

Hi DJ Raqi! Matagal mo na ako silent listener since 2019 pa, minsan nakikiiyak pa ako sa mga sad story na binabasa mo. Gusto kong ibahagi ang storya kong ito para naman mabawasan ang sakit na nararamdaman ko nadaladala ko pa rin hanggang ngayon. 2019 ng makilala ko sa social media si Keiefer, hindi nya totoong pangalan at ako tawagin mo nalang Julian at ito ang aking Secret File.

November 22, 2019 ng unang mag-chat si Keiefer sa akin at ang chat niya “hi maam.” So nag reply naman ako at humaba din ang pag-uusap naming dalawa. Actually expected ko na ang chat niya kasi hiningi niya sa ate ko ang FB ko kasi mag kaibigan sila at iba naming kapatid.  Nakita niya raw niya ang picture ko and nag-ask siya kung single ba daw ako and sabi ng ate ko “oo single yan.” Kasi gusto raw niya makapag-asawa ng Muslim gusto raw kasi niya ng Muslim kasi mapagkakatiwalaan daw pag naiiwan sa bahay na hindi raw mag hahanap ng lalaki. Sundalo kasi siya DJ Raqi noong gabe rin na ‘yon ng pagcha-chat namin ay naging kami rin ayoko pa sana kasi masyado mabilis at ang sabi niya pwede ko naman daw siya makilala habang kami so pumayag din ako din ako kasi sabi ko wala naman masama so nag kakausap kami through video call and chat kasi nasa Dubai ako nong mga panahon na ‘yon and January 12, 2020 uuwi na ako sa Pinas. So ako taga Cotabato and siya taga Zamboanga so sa Laguna ako nag-stay ‘pag dating ko sa Laguna nawalan kami ng communication kasi that time sumabog din ang volcano nung mga panahon na ‘yon hindi na ako umasa na magkikita pa kami or hahaba pa ang relasyon namin akala ko kasi kagaya rin ng dati kong mga karelasyon laging hindi nag tatagal so nag patuloy pa rin ang amin LDR until one day tumawag siya at sabi luluwas siya pa Manila so masaya ako kasi sempre my chance na mag kita kami pero sa Bulacan siya kasi dun siya mag schooling and ako naman ay nasa Calamba, Laguna so ang layo pa rin namin so February 16 kinausap niya ako puntahan ko raw siya sa bulacan so kinilig ako syempre pero ‘di ko siya pinuntahan babae pa rin ako. Girl kahit gusto mo wag kang pupunta first meet ‘yon so I said kung gusto mo talaga mag kita tayo ikaw ang pumunta rito so. Pumunta nga siya kinabukasan
So natawa pa ako kasi sa sobrang exited ko hindi na pansin naka full black ako girl black shoes bag damit as in full black ano ‘to makiki lamay? ‘di na ako naka pag palit kasi nag mamadali na ako kasi sabi niya malapit na siya sa SM Calamba so ako malayo pa dun tapos sobrang traffic pa. So sabi ko mag hintay ka lang sa loob so nag hintay siya sa may food court so nasa labas na nga ako ng SM at nahiya pa ako sa pag pasok ko sa SM diretso na sa my food court so nakita ko na nga siya na nakaupo so aatras pa sana ako kaso nakita na rin niya ako nailang ako lumapit kasi ung pormahan ko parang nakikilamay so umupo na ako sa may upuan ang unang sinabe niya order na kayo so syempre mahiyain ako sa sabi ko hindi na busog pa kami. So pag dating namin sa bahay pinakilala ko siya sa mga tao sa bahay so tinanong siya ni ate kung my asawa na ba siya ang sagot naman niya ay wala, anak wala rin daw siguraduhin mo lang huh at sagot ni Keiefer opo ‘yun din ang unang gabe na my nangyari sa amin dalawa.

Sundan ang kwento ni Julian dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.