“Konting panahon lang naman ang hinihingi ko, pero ‘di niya ako naghintay.”

November 14, 2022

“Konting panahon lang naman ang hinihingi ko, pero ‘di niya ako naghintay.”  

Hi, DJ Raqi! Itago mo ako sa pangalang “Sing,” at ito ang aking Secret File.  

 I’m already married to my first love and long-term boyfriend, but this Secret File is not about my husband. This Secret File is for the man I considered my “What if.” Itago natin siya sa pangalang “Neil.” Si Neil ay isang fast-food chain manager at ako naman ay isang teller ng isa sa malaking bank dito sa Pilipinas.  

I was heartbroken with my first love when I met him. Nagkakilala kami dahil sa kaibigan kong bading na si Doc. Nasa isang tambayan kami no’n malapit sa amin nang makilala ko siya. I was with my friends during that time, and he was with his friends as well sa tambayan na ‘yon. ‘Yong friend ko na si Doc, nakita niya ‘yong close friend niya na si Rey, na-timing-an naman na barkada ito ni Neil. Nag-hi-hello naman kaming kaming lahat. Doc introduced us to Rey’s friends and Rey introduced his friends to us. Since open naman ‘yong area, Doc suggested na mag-isang table na lang kami para masaya. At doon ko na siya nakilala. 

However, ‘di ako nagka-interest kilalanin siya no’ng una. Wala ako sa mood mag-enjoy at makipagkilala kasi nga I was in pain because of my boyfriend. Naalala ko pa na mugto pa ang mata ko that time and I was just seated next to Doc quietly and parang wala sa sarili. Nang nagkakakulitan na, kuwentuhan at jamming, ‘di ko namamalayan na nagsimula na pala kaming pag-trip-an ni Doc. Umaalerto na ang pagka-match maker ng bakla. Bigla na lang kami pinag-trip-an ni Rey at Doc. Chismis kasi ni Rey kay Doc na broken-hearted din pala si Neil, kakahiwalay lang niya sa long-term girlfriend niya. Hindi na raw bago ‘yon kila Neil kasi hiwalayan at balikan din pala ang peg nila, parang kami lang ng first love ko.  

Namamalayan ko na we were teased and paired to each other na pala. May nararamdaman ako na parang tinutukso kami but I chose to deadma the scenario. I was busy with my phone and suddenly tumulo ang luha ko dahil sa chat na nababasa ko sa phone ko. It was from my boyfriend, my first love. Gusto ko lang klaruhin, DJ Raqi, heartbroken ako not because may third-party, but because of our differences. Hindi nagkakatugma priorities namin and I felt undervalued. 

Anyway, natapos ang gabing ‘yon na ‘di ko na-enjoy. I am not that insensitive, I knew na sinusulyapan ako ni Neil. Kaya lang, wala talaga akong pakialam that night. Hindi ko nga matandaan kung ano na nangyari after, eh, kasi nga wala ako sa sarili ko. I was there physically but mentally absent. Nang mag-uwian na, lumapit si Neil sa akin at nag-goodbye. Tango lang naisagot ko, we parted ways nang ‘di man lang nagkausap kahit konti. 

Kinabukasan, naka-receive ako ng text from an unknown number. Ang sabi sa text, “Hi.” Sinagot ko ng “Yes? Who is this?” Sumagot naman siya ng “It’s me, Neil. Friend ni Rey ‘yong pinakilala kagabi ni Doc.” ‘Di ko alam, binigay na pala ni Doc ang number ko sa kaibigang si Rey para ibigay kay Neil. Nagkaka-interest na pala si Neil sa akin.  

Along with our convo, Neil told me na napansin niya pala no’ng gabing ‘yon ang kalungkutan ko and even caught me crying. He also added do’n sa text niya na he was hoping na sana maging okay na ako, ‘di man sa ngayon but in time. Napangiti ako sa text niya, DJ Raqi. Sa totoo lang, I felt comforted by him even in a simple yet sincere text. Yes, DJ Raqi, naramdaman kong sincere ‘yong text niya. It made me smile at nakakataba ng puso. Then, dito na nagsimula ang lahat.  

We were constantly communicating through text. Updated kami sa whereabouts namin mula umaga hanggang gabi. Dumating sa punto na inamin niya sa akin na unang kita palang niya sa akin ay nagustuhan na niya ako at ‘di na ako nawala sa isip niya. Marami na kaming napag-uusapan tungkol sa buhay-buhay. Siya ang nagpapasaya ng araw ko, pero for me, I felt na masyado yatang madali kasi we both came from a failed relationship, at vulnerable pa kami pareho.  

Parang may mali, ramdam kong may mali. Naging madalang na ang text niya sa akin, may hinala ako, at tama nga ako. He admitted to me na nagkabalikan sila ng girlfriend niya. Hindi raw niya mahiwalayan ng tuluyan dahil sa sitwasyon ng girlfriend niya. Hindi ko na tinanong kung bakit, DJ Raqi, tinigilan ko na no’ng malaman ko ‘yon. Nasaktan din ako kasi nagkaka-feelings na ako sa kanya, pero buti na lang maaga niyang sinabi sa akin ang totoo. As a woman, ayaw kong maging dahilan ng hiwalayan at lalong ayaw ko maging third party kaya ginawa ko ang tama. 

After a few weeks, naging okay na rin kami ng boyfriend ko. So, in short, pareho na kaming in a relationship ulit.  

Nagdaan ang ilang araw at buwan, nag-text siya ulit sa akin. Nagparamdam at inamin niya sa akin na hinding-hindi raw ako nawawala sa isip niya. Darating din ang araw na mahihiwalayan na niya girlfriend niya para sa akin. Syempre, DJ Raqi, ayaw kong patulan ang emotion niyang ‘yon. Kaya ginawa ko pa rin ang tama. I distanced myself from him, iniwasan ko siya sa kadahilanang may boyfriend ako.  

Fast forward, tuluyan na kaming naghiwalay ng first love ko. At siya naman, going strong pa rin sa girlfriend niya. Nag-te-text pa rin siya sa akin pero bilang isang kaibigan na lang kahit sinasabi pa rin niya sa akin ang nararamdaman niya. Sa totoo lang, DJ Raqi, nasasaktan ako kasi bumabalik ‘yong feelings ko sa kanya pero pinipigilan ko kasi nga mali. May girlfriend pa siya. Ando’n na ako sa point na umaasa ako at nag-aantay ng palihim na sana darating ‘yong time para sa amin ng walang masisirang relasyon. Naging routine na niya ang contact-in ako ‘pag ‘di sila okay ng girlfriend niya at mag-cut ng communication ‘pag nagkakabalikan sila ulit. I was pissed and disappointed. I know my worth! ‘Di ko deserve maging second option niya lang. Then, finally, I chose to forget him and move on.  

After a year or two, nagkaroon ako ng boyfriend, kasamahan ko sa work.  Si Neil naman hiwalay na rin sa girlfriend niya. He tried to communicate with me but may nagugustuhan na akong iba, at ito ang officemate kong si Ed. LDR ang set up namin ng new boyfriend ko. No’ng ako naman ang in a relationship, siya naman itong malaya na. ‘Di talaga naka-align ang stars for us. Nakita ko na lang sa FB account niya na may new girlfriend na rin siya. Masaya naman kami pareho sa kanya-kanya naming new love life.    

Fast forward, I studied MBA, at na-busy ako sa studies ko. Nagkaroon ako ng new circle of friends at sobra akong nag-enjoy sa bago kong mundo. Dumating din sa point na nagkakalabuan na kami ng boyfriend ko. Si Neil naman nabalitaan kong hiwalay na rin sa girlfriend niya, but, wala pa rin kaming communication. Nararamdaman ko na lang siya dahil sa pa-like-like niya sa mga post ko sa FB. Hanggang do’n na lang ‘yon.  

I was so preoccupied with my master’s degree and work, pinagsabay ko kasi. I finally ended the relationship with my boyfriend na si Ed. Tinapos na namin ang relasyon namin dahil ‘di na kami nagkakaintindihan. I was single again but happy. I enjoyed my MBA days until Neil messaged me out of the blue in Messenger, kinumusta niya ako, and I answered him politely. Hanggang sa nag-me-message na siya sa akin. This time, we were both single. Oh, ‘di ba, sa tagal-tagal ng panahon finally nagtagpo rin kaming dalawa na pareho kaming malaya.  

Tumutok lang dito sa Raqi’s Secret Files para sa susunod na bahagi ng kuwento ni Sing.  

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.