Kasal na pala siya | Raqi’s Secret Files
May 17, 2023
“Naghahanda ako para sa kasal namin nang malaman kong kasal na pala siya sa iba.”
Hello, DJ Raqi! Itago mo na lang ako sa pangalang Gel at ’eto ang aking Secret File. I have a live-in partner at may dalawa na rin kaming anak. 16 years na kami, actually, going 17 years strong.
Last year, November, naka-receive ako ng message na nagpapakilala na mother-in-law daw siya ng partner ko. Ipinapaalam niya sa’kin na may asawa na ’yong partner ko.
Tinanong ko ang partner ko at sinabi niya sa’kin na baka scam lang ’yon, i-block ko na lang. Naniwala ako, DJ Raqi, sa kaniya. In-ignore ko ’yon.
January 2023, naka-receive ulit ako ng message mula sa nagpakilalang mother-in-law ng partner ko at ang nilalaman ng mensahe ay picture ng marriage contract. No’ng mga oras na ’yon, DJ Raqi, nasa bahay ako.
Nasa work ’yong partner ko, kaya tinawagan ko siya sa phone. Sinubukan pa rin niya i-deny sa’kin hanggang sinabi ko sa kaniya na nakita ko na marriage contract nila. Sobrang sakit, DJ Raqi, na naitago niya sa’kin ’yon ng gano’n katagal. Pinagmukha niya ’kong tanga.
Hinayaan niya ’ko na magplano ng kasal namin, mag-seminar sa simbahan tapos ’yon pala, alam naman niya na hindi naman pala siya puwedeng ikasal.
Sundan ang kuwento ni Gel dito sa Raqi’s Secret Files.
Related Contents
-
Pusong lalaki | Raqi’s Secret Files
June 7, 2023
-
Bawi na lang tayo | Raqi’s Secret Files
June 6, 2023
-
Hihintayin ko pa rin siya | Raqi’s Secret Files
June 5, 2023
Comments