aliwan fiesta banner aliwan fiesta banner

Kaibigan lang ba talaga? | Raqi’s Secret Files

March 21, 2023

“Nagseselos ang partner ko sa kaibigan ko at ganoon din ang partner ng friend ko sa’kin.”

Dear DJ Raqi,

Good day sa’yo! Itago mo na lang ako sa pangalang Diana, 46 years old. Medyo boyish ako kumilos, pero halata namang babae pa rin ako kasi long hair naman ako. Sa ngayon, may karelasyon ako na kapwa ko babae. Bale 16 years na kami sa relationship namin ni Rina. Masyado siyang workaholic kaya madalas, wala siyang oras sa akin. Noong una, DJ Raqi, madalas kaming magtalo dahil nga sa wala siyang oras sa akin dahil subsob siya sa kaniyang trabaho.

May mini-grocery ako dati sa lugar namin. Dati kasi akong office girl. Nang magsawa ako, nagtayo ako ng mini-grocery para masuportahan ko ang pangangailangan ng pamilya ko. Sapat at may sobra naman sa kinikita ko. Malakas naman bumenta ang aking tindahan, hanggang sa isang araw ay nagkaroon ako ng customer. Itago na lang natin sa pangalang Jun. Sa una naming pagkikita ni Jun sa aking tindahan ay nasupladahan ko siya dahil nga likas akong suplada. Kahit suplada ako ay patuloy pa rin siyang namimili sa aking store.

Hanggang isang araw, namimili siya ng biscuit sa store at bigla niyang hinawakan ang aking kamay at nagkatinginan kami. Doon na medyo lumambot ang aking puso sa kaniya at napag-alaman ko na asawa pala siya ng customer ko na malapit sa akin. Sa araw-araw niyang pagpunta sa store ko ay nagkahulugan kami ng loob, hanggang sa patago na kaming lumalabas. Isang araw, sinundan pala kami ng kaniyang asawa dahil ’di naman talaga palalabas ng bahay si Jun kaya nagtataka ang kaniyang asawa. 

Doon na nagsimula ang kinatatakutan ko dahil nalaman na ng kaniyang asawa na ako ang kinahuhumalingan ni Jun. Kahit nalaman na ng kaniyang asawa, pilit pa rin si Jun nagpapakita sa akin dahil mahal daw talaga niya ako. Tumatawag pa rin siya ng madalas sa akin nang palihim, hanggang sa nagwawala na ang kaniyang asawa at naiiskandalo na ako.

Sundan ang kuwento ni Diana dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.