Kahit alam kong busted ako sa’yo, mags-stay pa rin ako

September 4, 2020

Itago niyo ‘ko sa pangalang Yen. Hindi ‘to tungkol sa akin, itong secret file na ‘to ay para sa taong sobrang halaga sa ‘kin. Itago natin siya sa pangalang Emman.

Noong unang beses kong nakilala si Emman, maingay, mabait, sweet, magaling makisama at higit sa lahat sobrang effort ‘pag dating sa babae. Inggit na inggit nga ko sa tuwing nakikita kong nag-eeffort siya sa nililigawan niya, pero at the end of the day palagi na lang siyang binabasted at niloloko.

Si Emman, sobrang napaka ideal guy, halos lahat na ata ng gusto ng babae nasa kanya na, pero palaging sawi sa pag-ibig. Kaya ‘pag bina-busted siya, palagi ko na lang sinasabi sa kanya na, “Ako na lang kasi ligawan mo!”

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo Yen sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.