“Kabit niya ako at kabit ko rin siya.”

May 10, 2022

“Kabit niya ako at kabit ko rin siya.”

“Hindi ko inaasahan na miintindihan niyo ako sa confession ko na to, but I just want to share this to you guys because it has been a burden to me.

Itago niyo na lang ako sa pangalang, Justine, 26 years old ako at 1 year ng kasal sa high school boyfriend ko. Kasalukuyang nasa U.A.E ngayon ang asawa ko and it has been a year na din since he left. Okay naman kami eh, wala naman kaming problema. Regular ang chats at video calls namin. In fact masaya kami kahit na malayo siya at kahit na hindi namin naenjoy ang married life namin together.

All is well until this time comes. I met this friend of him dahil sa isang problem sa car ko and this guy is the owner of this car shop and mechanics. Yung asawa ko ang nagcontact sakanya, saying na pakiguide ako sa problem sa car dahil wala talaga akong alam. So I brought the car to his shop, hindi naman siya talaga actually yung gumawa dahil may mga tauhan naman siya dun. Ang part lang niya ay sakanha nanggaling yung mga parts na dapat palitan. He didn’t stay long, at bumalik na siya sa office, inshort saglit ko lang siya nakakwentuhan.

An later that day, ng matapos yung car ko umuwi na ako. Ang nagpakabusy sa pagffb. Until I opened my
Notification box only to see the likes feom the owner of the car shop. I checked the time kung kelN niya nilike yun and all the time pala na nasa car shop niya ko nagbobrowse siya sa account ko.

Inadd ko siya, yes ako ang unang nah add sakanya. Wala naman akong nakitang mali sa pag ads ko sakanya since friend naman siya ng asawa ko and isa pa nagkasundo na sila na siya na rin ang mag aalaga sa car ko.

Nagkachat kaming dalawa, nagpalitan ng number since needed naman yun lalo na kapag may problem na naman. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may iba na eh, iba na yung way niya sa pagtext at chat sa akin, may lambing, my sweetness. Iba na talaga, and right at that very moment I concluded na type niya ko. At first I entertain his messages dahil na aamuse ako na ganun siya, na nagustuhan niya ko , hindi ko naman sinasagot ng directly yung mga sweet nothings niya. Kasi naiilang ako dahil may asawa ako at my God ganun din siya. May anak pa siya at ako wala.

We even decided to hang out, na sinabi ko lang para matigil siya sa pagkulit na gusto niya ko makasama. Hanggang dumating sa point na, yes gusto ko din siyang makasama.

Pero mali, kaya everytime na naiisip ko na mkikipagkita ako sakanya, tinatawagan ko yung bestfriend ko na pigilan niya ko, dahil hindi tama, kung hindi ko man mapigilan yung sarili ko pwes dapat may isang tak na pipigil sa akin which is yung bestfriend ko nga. Lagi niya ko pinapaalalahanan na wag magkasala sa asawa ko. At natutuwa ako dahil effective siya.

Then sumalang na yung mga text or even chats niya sa akin, sometimes it would take days. Sobrang namimiss ko siya. Alam niyo yung pakiramdam na parang may kulang sa puso mo? Para ka lang lutang na wala sa sarili? Yun ang feeling ko. Lagi ko tinitignan yung phone ko kasi baka may text or chat siya. Para na kong mababaliw kakaisip sakanya.

Nagbago ba siya kasi hindi ko maibigay sakanya yung gusto niya? Pero hindi pwede kasi ipinangako ko sa asawa ko na pagmamay ari na niya ko.

I admit parang nainlobe na ko sa kanya. Or parang pa rin ba ? Oh inlove na talaga?

Sundan ang kuwento ni  Justine dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.