Jowa ko noon, FUBU ko na ngayon

January 8, 2020

Nagchat kami ngunit meron pa ring pagdududa sa aking sarili na baka pustahan lang ‘yun. So, sinabi ko sa kanya, “Pustahan ba ito?” at ang kanyang sumbat ay “Hindi kami ganyan ng mga tropa ko.”

Itago n’yo ako sa pangalang Joy.

May closure na kaming dalawa at tinanggap ko na lang kahit masakit at nag long message ako sa kan’ya, ganto, ganyan, sabi ko then bigla niyang sinabi “Oh, gan’on naman pala, pero punta ka pa rin every Friday dito sa bahay?”, gulat na gulat ako dahil parang that time hindi ko na inisip na pumayag ako ‘di ‘ko alam, kasi mahal ko parin e.

Parang ang pangit pero kailangan kong gawin kasi kahit alam kong wala na kami,Β sa paraang iyon e mahahawakan, mahahalikan at mayayakap ko parin siya kahit parausan na lang ako.

Ouch! Ang sakit talaga ng ganito, ‘yung tipong isa ka lang na nagmamahal ng todo. Sundan ang susunod na kwentong ito ni Joy sa DJ Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.