Itinanggi ng ex ko ang anak niya sa’kin, ang sakit!

April 2, 2020

“Okay lang na sabihin niya na hindi na niya ako mahal. Pero, para itanngi ang anak ko hindi ko siya mapapatawad..”

Itago mo na lang ako sa pangalang Mary, I’m 33 years old and a single mom.

Dumating ang sign na hinihintay ko pero sa napakasakit na paraan. Namatay ang papa ko na hindi ko man lang siya naipapakilala at ng kahit ng nakaconfine siya sa ospital, pinipilit ko siyang pumunta pero hindi niya nagawa. Hanggang sa nailibing ang papa ko. Kinausap ako ng kapatid ko, nagulat ako nang sabihin ng kuya ko na, “alam ni papa na may boyfriend ka, at sabi niya hindi niya gusto ang boyfriend mo kaya hiwalayn mo daw.”

Nakipagbreak ako. No’ng una, parang wala lang sa kanya kasi alam niya na gano’n lang ako at susuyuin ko ulit siya pero no’ng time na ‘yun, buo na ang loob ko. Lumipas ang panahon, nakilala ko si Rodney. Si Rodney, nakilala ko lang siya sa chat at ‘di ko siya personal na kilala pero naging palagay ang loob ko sa kanya at naikwento ko rin s kanya ‘yung past relationship ko. Tumagal kami at dumating ang araw na nalaman ko na buntis ako.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Mary sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Holler Box