Isa lang ang hiniling ko pero dalawa silang dumating sa buhay ko

February 16, 2021

Sa buhay, dinadala tayo ng Diyos sa isang sitwasyon na sinusubukan niya kung hanggang saan natin kayang i-handle ang lahat.

Hello Dj Raqi. I’m Phaul 24 years old, I’m lesbian from Antipolo. I want to share my story and sana ay makapulutan ng aral ng ibang nating  Kabisyo.

Year 2011, may girlfriend ako. Si Mj. Okay kami noong una. Masaya kami. Away bati, pero naaayos naman namin agad. Inaayos ko agad. Tumatagal kami parang lumalamig, hanggang sa hiwalay balikan ang naging routine ng relationship namin. Sobrang mahal ko kase at hindi ko kayang tiisin.

Then fastforward, nag 5 years kami, parang nag iiba na. Tuwing nag aaway kami. Nagkakaroon na ng pisikalan. Nasasaktan niya na ako, pero hindi ko siya kayang labanan. Mahal ko eh, ‘di ko kayang saktan. Sobrang takot ako sa kanya Dj Raqi. Legal kami sa pamilya ko, pero ni minsan hindi ko manlang naranasang tanggapin sa pamilya niya. I remember last 2019, nag inuman kami sa bahay nila kasama ang mga pinsan nya, ng biglang umakyat ang Lolo niya sa taas, sa sobrang takot niya na makita ako ng Lolo niya, itinago niya ako sa likod ng pintuan. Grabe ang iyak ko n’on Dj Raqi. Andun ‘yung toughts na, porket ba tomboy ako, hindi na ako pwedeng ipagmalaki?

Hanggang umabot kami ng 8years, wala paring pagbabago, lalo pang lumala ang lahat. Iniisip ko nalang lahat ng magandang memories namin, pati kung gaano siya naging mabuti sa akin. Kung paano niya ako alagaan pag may sakit ako, kung paano niya ako asikasuhin. Then wala na, everytime na magtatalo kami, sistema na niyang saktan ako physically and emotionally.

 

Sundan ang Secret File story ng Kabisyo nating si Phaul, dito sa DJ Raqi Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.