Inuman at sayawan, nauwi sa bakbakan

September 10, 2021

Hi DJ Raqi. Ishe-share ko lang ang kwento kong sobrang swerte sa buhay dahil sa may pumayag sa akin na magkaroon ng isang gabing tayuan!

Itago niyo ako sa pangalang Mr. Lucky Guy at ito ang aking SPG as in Super Pak Ganern Secret Files.

Way back in October 2018, nakakamiss ang inuman no’ng wala pang pandemic. Ganito kasi ‘yun. Niyaya kong pumunta sa bar na may initials na double “P” ang mga tropa ko. Ang ending, hindi sila pwede. Solo lang ako dahil busy sila sa gawain.

So, heto na. Solo flight lang na pumunta ako ng bar. 8PM, nakapasok na ako sa bar at puwesto ako malapit sa dance floor. Umorder ako ng dalawang bote ng beer pampa-chillax. Makalipas ang ilang oras, may tatlong mga magagandang babae ang puwesto malapit sa pwesto ko.

Sobrang gaganda nila na parang nasa kalangitan ako ‘pag kinausap ko sila pero wala akong lakas na loob para kausapin sila. Baka kasi isipin nila na masama akong tao o hindi kaya baka may kanya-kanya na silang jowa.

Ilang saglit na lang, tumugtog na ang  banda. Ang kinagandahan pa nito ay pagkatapos ng OPM songs, nagpatugtog na ng party songs. Nag-invite ang vocalist ng banda na papuntahin sa dance floor at nagsayawan na ang customer. Pati na rin ang tatlong babae, pumunta na rin sa dance floor.

Pagkakataon ko na para mapansin ko sila at siyempre, ang advantage ko ay magaling akong sumayaw. Ayon na nga at pinuntahan ko ang tatlong babae at sinayawan ko sila at nagulat ako bigla. Hindi ko ine-expect na sasayawan nila ako. Kumekembot sila sa’kin. Hahahaha.

Itago natin sila sa pangalang, Apple, Cherry at Lemon. Beer lang din ang iniinom nila. Ang kwento nila ay si Apple, kakahiwalay lang sa boyfriend niya, kaya nagkayayaan na pumunta sa bar para mabawasan ang nararamdaman niyang sakit.

Tinuloy ang kwento ni Apple kung bakit sila naghiwalay ng boyfriend niya. Naluha luha no’ng i-kwento niya at mejo may tama na siya ng alak. Pero heto ang pinakamahiwagang tanong na bumungad at nagpasaya sa kanya.

Sabi ko sa kanya, “Apple, gusto mo bang tanggalin ko ang problema mo ngayong gabi?”

 

Sundan ang SPG Secret File Story ni Mr. Lucky Guy, dito sa DJ Raqi’s Secret Files

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.