Iniwan ko siya para sa bagong kakakilala ko lang

October 22, 2020

Itago niyo ‘ko sa pangalang Patty.

Umpisahan ko munang i-kwento ang storya namin. Nagkakilala kami sa isang eskenita sa kanto, malapit sa school namin year 2011. High school ako nu’n, lumabas kami ng kaibigan ko para bumili ng pagkain. Habang naglalakad kami, pagliko sa kanto may nakita kaming lalaki na moreno at infainess may ibubuga sa itsura. Matangkad kahit nakaupo, kita na matangkad siya. Bigla siyang nagsalita at ang sabi niya, “Mata, sabi ko naman sayo ‘wag kang sasama sa maganda, napaghahalataan kang pangit.” Ang tinutukoy niya no’n ay ‘yung
kaibigan kong kakilala niya pala. By the way, ‘di ako sobrang ganda ha! May itsura lang, maputi at higit sa lahat chubby baka mag expect kayo.

Nsa isip-isip ko nu’n medyo judgey naman ‘tong lalaking ito na medyo
kinikilig kasi nasabihan ng maganda eh. So, habang naglalakad kami
dumirecho na kami after nu’ng convo nila na ‘yun. Napatingin ulit ako sa likod ko kung san siya nakapwesto at o m g nakatingin pa rin siya!
Ending? Nakatinginan kami pero ako na ang umiwas kasi mahina ako sa
ganu’n, marupok ako eh! By the way pala, may boyfriend ako nu’ng time na ‘yun.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo Patty sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.