Ikaw pa rin, kahit malabong maging ako

February 22, 2021

Hi Dj Raqi. Itago niyo nalang ako sa pangalang Budz D. Isa akong aspiring rapper sa isla namin dito sa Sibuyan, Romblon.

Nagkakilala kami ni Begs sa church. Song leader siya and ako naman attendist lang kasi bago palang ako n’on. 18 years old ako noon at siya naman 16 years old. Naging magkaibigan kami dahil halos sa church na ako nakatira at malapit lang naman ‘yung bahay namin dito. Siya naman ‘dun na talaga sa church nakatira dahil broken family sila kaya kinopkop na siya ng mga elders sa church.

Fast forward habang lumilipas ang mga panahon na lagi kaming magkasama, hindi ko namalayan na nahuhulog na ang loob ko para sa kanya. Hanggang sa nagdesisyon siya na lumuwas ng Maynila para magbakasyon sa kanyang mother. Miss na miss ko siya n’on at pagbalik niya, kaagad ako umamin ng tunay kong nararamdaman through chat. Sabi ko sa sarili ko, bahala na kung ma-busted. Laking tuwa  ko ‘nung sinabi niya na mahal niya rin ako. Walang mapaglagyan ang saya ko noon ngunit kailangan lang muna namin isikreto ang relasyon namin dahil requirements sa church namin na hanggat nagaaral ka, no boyfriend no girlfriend.

Tumagal ang relasyon namin at umiikot through text, chat or tawag lang muna. Sobrang mahal na mahal ko siya. Grabe ang pag respeto ko sa kanya. Masasabi ko siguro na siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Hindi naging madali ang relasyon namin. May mga away kaming pinagdaanan pero halos LAHAT ng ‘yon, nalampasan din namin. Binaba ko ang pride ko para lang mag stay siya sa’kin at mapatunayan sa kanya na tunay ang pagmamahal ko sakanya.
Napaka supportive ni Begs sa mga hilig ko although hindi siya sumasama sa mga gig’s & events  namin. Minsan binibigyan niya ‘ko ng allowance, pandagdag pambayad sa pag record ng kanta.

Sundan ang Secret File story na ‘to ni Budz D, dito sa DJ Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.