I love my stepbrother | Raqi’s Secret Files

January 24, 2023

“Mahal ko ang kinakapatid ko.”

Hi, DJ Raqi. Itago mo ‘ko sa pangalang Misha at ito ang aking secret file. Bata palang ako, lumaki na ako sa pangangalaga ng lolo at lola ko dahil galing ako sa broken family. Papa ko lang ang minsan kong nakakasama sa tuwing umuuwi siya galing abroad. May asawa siya na may anak sa iba.

Tatlo silang magkakapatid. Hanggang isang araw, napagpasyahan nila na magkakasama na kaming tumira sa i-isang bahay. Maganda naman ang pakikitungo nila at masaya sila kasama. Kulitan, biruan hanggang sa napamahal na sa akin yung pangalawa.

Gustohin ko man siya iwasan dahil nga parang kapatid ko na rin siya wala. Mahal ko talaga siya. Palagi kong kasama dahil kami rin ang laging inuutusan ni papa na magbantay sa negosyo niya. Dahil du’n, may oras kami para makapagusap.

Kagagaling lang namin sa pakikipagrelasyon sa iba kaya lagi namin naiintindihan ang isa’t-isa. Then I asked him, “Ano ba ako sa ‘yo?” Sabi niya naman sakin, “Hindi ko alam at du’n nagtapat siya ng nararamdaman niya para sakin. Masaya naman ako kasi pareho kami ng nararamdaman. Nakalipas ang ilang buwan, parang mag-jowa na ang turingan naming. Naninibago na si papa dahil na rin sa kinikilos namin. Dahil dun, parang pinaghihiwalay niya kami at pinagbabawalan na ako ni papa. ‘Wag ko na muna raw siyang kausapin.

Inilihim kaya ni Misha ang pag-ibig niya sa kanyang pinsan o tuluyan niya na itong pinigilan? Alamin ang susunod na mangyayari sa kuwentong ito rito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.