Humarap ako sa salamin at hinubad ang aking sando

June 4, 2021

 

Hi DJ Raqi. Itago mo ko sa pangalang Voom Vanessa at ito ang aking SPG Secret File.

Bata pa lang ako, damang dama ko na na wala akong dibdib. ‘Yung tipong naka-baby bra na ang mga kaklase ko ng Grade 6, samantalang ako, nakasando pa rin.

May itsura naman ako pero talaga parang pinatagan ng pader ang aking dibdib. Kaya nga ‘pag may problema ako, hindi ko dinidibdib. Kasi wala naman ako no’n. Char.

So ayun nga. Hanggang sa isang araw, sa klase, nagta-tanong ang mga babae kong kaklase kung anong bra size ng isa’t isa. Hindi ako maka-relate kaya isang araw, nag lakas loob akong nagsabi sa nanay ko ng “Ma, bili mo na ako ng baby bra.” Kahit alam ko sa sarili ko na wala pa naman umuubok. Buti na lang at nakinig ang nanay ko sa aking kahiligan.

kinabukasan ay binilhan niya ‘ko ng baby bra sa Divisoria. Kinuha ko agad ang binili niya, pumasok ako sa kwarto. Humarap ako sa salamin at hinubad ang akin sando. Piniga-piga ko ang dibdib ko. At saka ko na sinuot ang mahiwagang baby bra.

Kaya lang nung sinuot ko na, para pa rin akong nakasando. Ang akala ko’y uumbok ng onti ang aking hinaharap. Ay waley!! Waley! Nasaan ang hustisya?!

So nag-isip ako ng paraan para kinabukasan naman, sa pagpasok ko sa school ay may dibdib na ‘ko.

 
Sundan ang Super Pak Ganern Secret File Story ni Voom Vanessa, dito sa DJ Raqi’s SEcret Fils.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.