“Hindi pa niya binabaon sa akin ang kanyang ITINATAGONG YAMAN”

September 9, 2022

“Hindi pa niya binabaon sa akin ang kanyang itinatagong yaman 

Hi, DJ Raqi! After being a listener on-air ng matagal na panahon, ay finally, nagkaroon ako ng lakas ng loob na isulat ang sarili kong SPG experience. Na-inspire kasi ako sa mga nakakatawang senders na pinatitigas ang panga ko sa katatawa. Kaya naisip ko na baka isang araw, ako naman ang mapagbigyang maging bida sa isang episode mo tuwing Biyernes, para magbigay ayuda ng kasiyahan sa mga tulad kong ma-e-L, as in maligalig ang isip. Itago mo ako sa pangalang “Gemalie” at ito ang aking SPG, as in Super Pak Ganern Secret File. 

Sa ngayon ay full-time office worker ako pero part-time student din. Every weekend ay kumukuha ako ng master’s degree sa business administration. Isa sa mga officemates ko ay boyfriend ko, na itago natin sa pangalang “Kyle.” Bukod sa pagiging mag-officemates naming dalawa ni Kyle ay sabay rin kaming nag-ma-masteral. Binibiro ko nga siya madalas na nakakasawa na ang pagmumukha niya dahil Mondays to Fridays magkasama kami, eh pati ba naman sa weekends sa graduate school? Sabi ika nga, ‘pag mahal mo, pagtitiyagaan mo. Pero kidding aside, nagmamahalan naman kami, at wala namang point sa relasyon namin na naisip naming nagkakasawaan na kami. Siguro nag-e-enjoy kami sa stage ng relasyon namin sa ngayon na patuloy pa naming binubuo ‘yung ideal future na gusto namin para sa isa’t-isa. Wala naman akong reklamo sa part na iyon. Sabay namin iyon tutuparin. 

Minsan dahil sa closeness na nabuo namin for 4 years of being a couple, eh, parang umabot na kami sa point na tinatrato ko na siya bilang husband ko at ako naman bilang wife niya. Minsan pa nga napag-uusapan namin ang mga plano kung anong taon kami magpapakasal, ilan ang magiging anak namin, at kung gaano kalaking bahay ang aming ipapatayo. Ganun ka-advance ang vision namin for our family. 

Sa kabilang banda, ganun din ka-advance ang mga isip namin pagdating sa mga bagay na pangma-e-L. Sa tagal naming magjowa, maniwala man kayo o hindi, never pa kami nagkaroon ng tinatawag na inter-galactic space course, minus the galactic space. Oo, DJ Raqi. Hindi pa niya binabaon sa akin ang kanyang itinatagong “yaman,” dahil may agreement kami na dapat, after our wedding pa kami magbabaunan. Kaya ang madalas naming gawin as a couple para masatisfy ang mga pangangailangan namin ay ang paghahalikan nang matindi, sa labi man o sa ibang nakaka-kiliting bahagi ng katawan, pati na rin sa alam mo na, sa Australia, sa land down under. 

Magpapakatotoo rin ako, na oo DJ Raqi, marunong din akong sumubo. Madalas kong isubo ang kanyang footlong, lalo na pag nakakaranas kami ng summer nights, ‘yung mga gabing nag-iinit ang aming damdamin. Kaya napapahanga ako ni Kyle, dahil siya ‘yung tipong kayang-kaya niyang i-resist ‘yung urge niyang mag-trespassing sa “Australia” ko. Ako naman, binabawi ko na lang sa pagsasagawa ng mic-test sa microphone niya, minsan pa nga may feedback, may ungol si Kyle na nakaka-istorbo sa kabilang kwarto. Tinatapik ko na lang mukha niya para mahimasmasan siya. 

Eto na nga, isang araw, pagkatapos ng klase namin sa master’s, napag-trip-an ako ni Kyle. Sabi niya, “Mahal, treat kita ng facial. Gusto mo?” Sabi ko, “Oo naman, basta libre mo ha?” Sagot niya sa akin, “Syempre naman, special ka eh, lakas mo kaya sa akin.” Ako naman, dahil libre, eh kumagat, literal na kumagat. Pumunta kami sa isang hotel na may branch ng facial care clinic. Pumasok kami sa loob no’ng clinic. Tinanong pa nga kami no’ng kahera kung anong service daw i-a-avail namin. Agad sumagot si Kyle, “Ay, hindi po, nag-i-inquire lang po ng presyo. Magkano po facial treatment niyo?” Sumagot naman ‘yung kahera kung magkano, pero after 20 seconds, kinuha ni Kyle ang kamay ko sabay walk-out. Nagtanong ako kay Kyle, “Sabi mo ililibre mo ako ng facial! Namamahalan ka ba sa presyo nila?” Sinagot ako ni Kyle, “Hindi naman talaga do’n ang punta natin, eh. Halika na nga, check-in na tayo. Nagpa-reserve na ako ng room.” 

DJ Raqi, namutla ako bigla sa gustong gawin nitong si Kyle. Dalhin ba naman ako sa hotel at I-check-in? Asa’n do’n ‘yung Facial? Tutal wala na rin akong magagawa dahil nagpa-book na pala itong footlong na si Kyle, sumama na lang ako. So ‘yun, pinuntahan namin ‘yung room na pina-reserve niya. In fairness, hindi pipitchugin. Oo, walang kusina ‘yung kwarto pero ‘di hamak na may balcony view. Walang hiya, suite ang nakuha. Biro ko sa kanya, “Saan ka kumuha ng pang-booking dito? Sa isang linggo pa anniversary natin, ah!” Sabi niya sa akin, “Mahal, advance happy anniversary! Eh kasi naman, hindi available ‘yung rooms sa mismong anniv natin, kaya in-advance ko na lang. Punta na lang tayo ng Star City sa anniv natin.” Aba, may plan B ang walang hiya. Medyo na-amaze naman ako sa quality treat ni Kyle para sa upcoming anniversary namin. Pero parang may kulang, kaya sabi ko sa kanya, “Oh ano na, asa’n na ‘yung facial?” 

Alamin ang mga susunod na mangyayari rito sa Raqi’s SPG Secret Files.  

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.