“Hindi niya raw sinasadyang maputukan ako..” (Part 2)

November 11, 2022

“Hindi niya raw sinasadyang maputukan ako… (Part 2)” 

Hi, DJ Raqi! Ako ulit ito, si Keanna! Salamat nga pala dahil nabasa niyo ni Nick “Pak na Pak” Boy noong nakaraang Biyernes ang kwento namin ng partner kong si Aldwin. Heto at sumusulat ulit ako sa inyo dahil nitong buwan lang na ito ay nalasing na naman si Aldwin. Oo, DJ Raqi! Nilabas niya ulit ang “English Dictionary” niya pero wala nang fireworks display na naganap, dahil tapos na ang Bagong Taon! Ibang klaseng putukan ang nangyari ngayon. Ito ang karugtong ng aking SPG, as in Super Pak Ganern Secret File. 

Kung maaalala ninyo sa una kong kwento ay medyo nagtampo ako kay Aldwin noong New Year’s eve dahil hindi siya nagpigil sa kanyang sariling kalasingan, at kung ano-anong “Ingles” ang hindi niya sinasadyang maiputok sa akin. Napasubo tuloy ako sa inglisan kahit medyo nakakahiya dahil sa lakas ng tama niya, nauwi ang lahat sa pag-showcase niya sa akin ng kanyang brown banana na nagmistulang fireworks display kasabay ng New Year. Sinabi rin niyang sa new year’s resolution niya ay oral support ang ipapangako niya sa akin. Noong nahimasmasan siya, sabi ko moral and financial support lang sapat na para sa akin. Um-oo naman siya at masaya na rin kaming umuwi rito sa Maynila para bumalik sa trabaho at sa realidad ng buhay. 

Ilang buwan din ang lumipas. Nitong Setyembre lang ay nagkayayaan ang mga katrabaho ni Aldwin ng night-out. Imbitado rin ang kanya-kanyang mga jowa at asawa kaya syempre hindi ako nagpahuli. Sumama ako at tumikim ng konting lady’s drink, pero ngayon mas binantayan ko na si Aldwin, hindi dahil baka masobrahan ng inom, kun’di dahil baka masobrahan naman ng kaka-English! Ikaw ba naman ang maputukan ng mga English niya, hindi ka rin ba mag-nosebleed no’n? So ito na nga, naubos ang isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim na grande ng beer, at unti-unti nang nagbalagtasan sa Ingles itong si Aldwin. Ako naman, panay ang awat sa kanya sa tuwing nauubos nila ang isang bote. 

Bubuksan na sana nila ang ikapitong grande nang bigla akong kausapin na naman ni Aldwin ng English. Sabi niya, “Keanna myloves, myloves! I am not drunk, ha? I want you to know how much I love you from the bottom of my heart, to the top of my head, my love will last forever! Mwah! Mwah!” Sweet-sweet-an na naman itong si Aldwin at dahil ayaw ko siyang ipahiya lalo na’t katrabaho niya ang mga kasama niya, eh, sumagot ako ng mala-lyrics ng kanta kagaya noong una kahit nakakahiya ng kaunti. Sabi ko, “I know, Aldwin, that you will love me for what I am, for simply being me. Don’t love me for what you intend or hope that I will be.” As expected, naghiyawan ang buong grupo. Sumagot si Aldwin pabalik, “Myloves, you were just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you.” Hiyaw ulit silang lahat, kantiyaw dito, palakpakan doon. Rumesbak na ako. Sabi ko, “I know that, Aldwin. But, there’s a danger in loving somebody too much, and it’s sad when you know it’s your heart you can’t trust.” Boom daw, sabi ng buong grupo! Humirit sila, sabi nila, “Sasagot na ‘yan! Sasagot na ‘yan!” Sumagot nga ulit si Aldwin, “I will not waste your trust. The only trust that I will waste is the one that we buy from the convenience store.” Nang masabi niya ‘yun, haay! Grabe na ang hiyawan, DJ Raqi! Hindi ko na sila ma-control. 

Hindi nagtagal, sinaway ko na si Aldwin. “Aldwin, that’s enough! Stop saying you’re not drunk. You are drunk. Let’s go home! Guys, iuuwi ko na ‘to.” Buti na lang, naiintindihan ako ng mga kasamahan niya. Tinulungan nila kaming sumakay ng taxi pauwi. Habang nasa taxi kami, pasimpleng nagsalita itong si Aldwin. Sabi niya sa akin, “Myloves, let’s get wet tonight.” Sagot ko kay Aldwin, “Huy, nakakahiya ka! Naririnig ka ni manong! Anong wet-wet? Uuwi tayo, lasing ka na.  

Pakinggan natin ang mga susunod na mangyayari rito sa Raqi’s SPG Secret Files.  

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.