“Hindi lahat ng nakikilala sa social media, manloloko. ‘Yung iba, ‘yun pala ang magpapasaya sa’yo ng todo.”

September 21, 2022

“Hindi lahat ng nakikilala sa social media, manloloko. ‘Yung iba, ‘yun pala ang magpapasaya sa’yo ng todo.” 

 

Naniniwala ba kayo sa katagang “God will bring you to the right person, who’ll bring you so much happiness and love?” Kasi ako, yes, naniniwala ako rito. 

 

Hi DJ Raqi! Itago mo na lang po ako sa pangalang “Mellow,” 25 years old and this is my Secret File. 

Lagi na po akong nakikinig sa program ninyo noong nagsisimula pa lang ako mag-work at hindi ko akalain na darating ‘yung time na ako rin pala ang mag-se-send sa inyo ng aking kwento. 

 

Before, I was in a four-year relationship. Yes, madaming ups and downs, mga hindi pagkakaunawaan pero na-resolve rin naman kaso darating din sa point na ikaw na ang mag-give up dahil sobrang toxic na at hindi na talaga kaya. So broken hearted si ate girl mo, I need to do that kasi it’s for my mental health and peace of mind. Yes, I was diagnosed with depression and anxiety. 

 

Fast forward, with the help of my cousin, we went to Tagaytay para ma-reset life ko at makapag-move on three months ako nag-stay doon. Pagbalik ko rito sa province, eh, naging okay naman ang lahat. 

While I’m staying in Tagaytay, I met some people, online gamers, and local streamers din sila, siyempre gamer din kasi ako kaya nagkasundo rin. 

 

Fast forward, it was August last year no’ng sumali ako sa Discord community nila na ang dami kong na-meet at nakilala ro’n. Well, it helped me a lot kasi mayroon na akong nakakausap, lagi na na akong masaya, and as time goes by bumalik mga ngiti ko. 

Mayroong guy sa group namin, super curious ako sa kanya kasi hindi siya pasalita and palakibo at hindi ko alam kung ayaw ba niya sa akin or nahihiya lang siya. Itago na lang natin siya sa name na “Joy.”  

 

Mga mid-September, nakatambay lang ako sa Discord mag-isa and then si kuya mo biglang pumasok at nag-open camera, pinakita niya ‘yung view kung nasaan siya. He is half Japanese and Filipino and sa Japan siya nakatira. So, ayon na nga naging close kami at gumaan loob ko sa kanya, naging kuya-figure ko siya. 

Then,nightmare happened nang dahil sa hindi pagkakaunawaan at selos nasira ang group namin. That time, hindi ko akalain na si Joy will stay with me, he stood up with me all throughout. Kasama namin iba ko pang mga kuya, we all moved on from the issue and kept going with our streams and life. 

 

At ‘yun na nga, unti-unti na palang nahuhulog loob ko kay Joy pero natatakot akong sabihin at umamin kasi nga kuya ko, ‘di ba? Baka lumayo siya ‘pag nalaman niya. 

 

Fast forward, gano’n pa rin set-up namin, usap sa Discord while working. Freelance Graphic Artist kasi ako kaya sa bahay lang work ko. Hanggang sa December last year, umamin din ako sa kanya. Syempre, rejected ako pero okay lang at least wala na akong tinatagong feelings for him at alam kong kapatid ang turing niya sa akin. But, as times goes by, unti-unti  na parang mayroong nagbabago sa kanya. Mas lalo siyang naging open sa akin at naging close rin kami. Dumaan ang birthday ko at siya ang kasama kong nag-celebrate. 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.