Hindi ko siya ikinahiya, kahit na may mga anak na siya

January 14, 2021

Personal experience ko ang gusto kong ibahagi sa inyo at sa mga masugid n’yong taga-subaybay.

Tawagin n’yo na lang ako sa pangalang Aj, 25 years old from Bataan.

Nagkaroon ako ng girlfriend na isang single parent. Apat ang anak niya. Hindi ko rin naman namalayan na mahal ko na siya. 38 years old na siya ngayon. Matagal na rin kami magkakilala dahil tumira rin s’ya dito sa Bataan dati. Elementary pa lang ako nu’n. Actually, kaibigan syia ng dalawa kong pinsan na tumira rito samin dati.

July 13,2020 ang araw na muli kaming magkita at magkausap sa facebook. Matagal ko rin siya hinanap pero sa sobrang tagal na rin nu’ng umalis siya dito sa Bataan. Nahirapan talaga akong mahanap siya pero nalaman ko na lang sa kanya na nasa isang lugar pala siya na kung saan ay p’wede. ‘Di ko na lang babanggitin para na rin sa kanya at sa mga anak niya.

Hindi ko na rin kasi masyado maalala ang apelyido niya. Pangalan at itsura na lang niya ang naaalala ko. Masaya talaga nu’ng gabing nagkausap kami. Lumipas pa ang ilang araw at naging palagay na kami sa isa’t-isa. Kwentuhan about sa nakaraan at kung anu-ano pa. Siyempre, hindi maiiwasan na maitanong ko ‘yung tungkol sa daddy ng mga anak niya.

At.. nag-kwento naman siya.

Sundan ang susunod na mangyayari sa secret file ni Kabisyo AJ sa Dj Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.