“Hindi ba ako karapat-dapat alagaan?”

September 13, 2022

Hindi ba ako karapat-dapat alagaan?

 

Hi, DJ Raqi! I’m a single mom with three beautiful children. I’ve been in relationships na puro short period lang kasi ayaw ko ng commitment, kuntento na akong mag-isa, at handa na ako na tumanda na mag-isa.

Itago mo ako sa pangalang Princess at ito ang aking Secret File.

May nakilala akong isang lalaki sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. When I met this guy pa-33 years old na ako, siya naman ay 29, mabait at ma-effort. Although, wala siyang alam sa gawaing bahay pero alam kong masipag siya. Mabilis ang naging pangyayari, sinuyo niya ako, nag-effort siya sa akin, then after a few months nag-live-in kami. Akala ko nga no’ng una, pang-short period lang, kumbaga panglandian lang pero pinakilala niya ako sa nanay niya. Feel na feel ko ang pagkahaba ng hair ko that time, but, at the same time, nahihiya ako sa pamilya niya. Mayroon na kasi akong tatlong anak, at bukod pa ro’n mas matanda ako sa kanya pero tinanggap nila ako pati na rin ang mga anak ko. Yeap, DJ Raqi, tinaggap ako ng buong-buo ng pamilya niya until nabuntis ako. Dito na nagsimula ang lahat ng pagbabago.

 

Sa pagbubuntis ko, hindi ko maramdaman na mayroon akong partner, hindi ko maramdaman ang concern niya sa aming mag-ina niya. Malimit siyang wala kapag kailangan ko siya, lagi siyang nasa tropa niya, tapos ko kinausap ko siya sa paraaang sinulatan ko siya. Hindi pa nga personal, eh, kasi nahihiya akong mag-demand ng atensyon dahil hindi naman kami kasal, at hindi ako sanay na nanghihingi ako ng atensyon sa lalaki. So, iniisip ko kung mag-share ako ng nararamdaman ko at maunawaan niya ako, baka magbago siya. Ang ginawa ko, tinapat ko siya, baka sakaling maunawaan nga niya ako. Kaya lang, pinagsalitaan niya ako. Ang punto niya sa akin ay mga kaibigan naman niya ang sinasamahan niya, at nabigla raw siya sa aming dalawa. Hindi raw siya ready. Super sakit nang marinig ko ‘yun, para akong binuhusan ng tubig. Iniyak ko, tinanggap ko dahil bata pa nga siya. Baka nga nabigla ko siya, baka nga hindi pa siya handa, at dahil sa stress ko nakunan ako.

Sundan ang mga susunod na kaganapan dito sa Raqi’s Secret Files.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.