Hanggang tingin na lang ako sa’yo dahil may asawa na ‘ko

April 28, 2022

Dear DJ Raqi,

Isa po ako sa masugid ninyong tagasubaybay at gusto ko po na sa panahong ito, ako namam ang magkukuwento ng aking karanasan sa buhay. Itago niyo na lang po ako sa pangalang Nika, 23 years old at taga-Davao City, at ito ang aking Secret File.

Mahirap ang magsakripisyo lalo na pagdating sa pag-ibig. Sa isang parte kasi nang buhay ko ay may pinanghihinayangan ako ngayon. Sana sinubukan ko, sana naghintay na lang ako, sana pinaglaban ko ang nararamdamn ko sayo. Way back 2016, nag-aral ako ng isang Bible class sa aming simbahan at marami akong nakilalang mga bagong kaklase. Isa na ru’n ang taong naging tulay ng lahat ng sakit at pagsisi na nararamdamn ko ngayon. May religious program kami noon at sa di inaasahan ay nakita ko ang isa kong kaklase kasama ang mga ka-churchmate niya. Galing ako sa masakit na breakup ng panahon na ‘yun.

Sa kanilang grupo ay may nagpukaw ng aking atensyon. Si JR, gwapo si JR, moreno at balita ko maganda ang kanyang boses. Tinanong ko ang kaklase ko kong may jowa c JR at sabi niya, “Oo may jowa na siya at matagal na sila ng gf niya.” Nasaktan ako ng panahon na ‘yun. Pero pinagpatuloy ko pa rin ang paghanga ko sa kaniya.

Sundan ang kuwento ni Nika dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.